Happier

887 32 16
                                    

Happier 💜💙

2

Dalawang taon na nang sumuko sila sa paghahanap kay Vhong. Pilit nilang tinanggap na wala na talaga si Vhong.

"Kuys kung alam mo lang ang nangyayari sa amin dito, sigurado ako kahit kaluluwa ka pa, magpapakita ka dito."sabi ni Billy habang nagsisindi ng kandila sa tabi ng larawan ng kaibigan.

"Kuys sobrang hirap na hirap na kami dito. Pwede bang magpaalam ka muna kay San Pedro para makapunta ka sa amin ngayon?" para silang baliw na kinakausap ang picture ni Vhong at sinasalaysay lahat ng pinagdaanan nila ng wala siya

"Jhong! Billy! Si Coleen at Vice!" natigil ang kwentuhan nila ng marinig ang sigaw ni Karylle.

"Anong nangyari?" tanong nila ng makarating si Karylle sa kanila na hingal na hingal.

Imbes na sagutin ang tanong nila ay hinila sila nito papunta sa labas ng bahay nila Coleen.

Nasa bahay sila nila Coleen para sana pasayahin ang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kuya niya.

"Ang landi mo rin 'no?! Nawala lang si kuya, naghanap ka na agad ng iba!" sigaw ni Coleen na dinuduro si Vice

Nagalit si Coleen ng malaman niyang may relasyon na sila Vice at Terrence at itinago ito sa kanya ng mga kaibigan.

Napatulala na lang sila Billy sa away ng dalawa.

"Patay na si Vhong! Wag mo siyang idamay dito!"sagot naman ni Vice

"Hindi pa patay si kuya!"naluluhang sabi ni Coleen.

Hindi pa niya kayang tanggapin na wala na si Vhong. Lahat sila tanggap na nawala na talaga si Vhong pero siya, patuloy pa ring umaasang buhay pa ang kuya niya.

"Coleen move-on, wala na si Vhong!" malumanay na sabi ni Vice

Dala ng galit, nasampal ni Coleen si Vice. Agad naman na silang inawat nila Billy.

"Madali lang sayong sabihin yan kasi ikaw ang dahilan kung bakit nawala si kuya!" sigaw ni Coleen na pilit kumakawala sa hawak ni Billy

"E'di isisi niyo nang lahat sa akin!" sabi naman ni Vice at nag-umpisa nang maglakad palayo pero natigilan ito sa sigaw ng lahat

"Coleen!" sigaw ng lahat ng bigla na lang itong nahimatay

***
Nagising si Coleen sa kulay puting kwarto, itsura at amoy palang nito, sigurado na siyang nasa hospital siya ngayon.

"Kuya? Kuya Vhong?"pagtawag niya sa lalaking nakatalikod sa kanya

"Bakit Choleng?" tanong nito at humarap sa kanya

Muli siyang naiyak ng makita niyang tama nga siya. Si Vhong nga ang kaharap niya ngayon.

"Kuya 'di ba sabi mo hindi mo ako iiwan?" natahimik si Vhong sa tanong niya

"Saan ka ba galing kuya?"muling tanong ni Coleen

Ngumiti si Vhong. Nagtataka si Coleen ng makitang hindi naman sa kanya nakatingin ang kuya niya.

"Galing sa malayo ang kuya. Wag kang mag-alala hindi na kita iiwan." kumapa-kapa si Vhong para makalapit sa kapatid at hinalikan ito sa noo

Umiiyak siyang napayakap sa kuya niya.

"Uy nandyan na sila! Anong gagawin natin?"sabi naman ni Anne at kumaway kay Coleen bilang pagbati dito

Nagtatawanang dumating sila Billy na may dala-dalang mga prutas

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now