Leading Man

323 15 9
                                    

"Good morning kuys!" masayang bungad sa akin ni Billy

"Good morning din kuys," sagot ko at umusog ng kaunti para makaupo siya sa tabi ko.

"Oh, hindi mo ata kasama ngayon si bestie." saad niya nang makaupo

Tinignan ko siya sandali at muling nagtipa ng text para kay Vice.

"May meeting kasi siya ngayon kasama yung mga boss natin." sagot ko

Ngayon lang ulit kami hindi nagsabay papunta dito ni Vice. May biglaan daw kasi silang meeting ngayon.

"Bagong movie ba?" tanong niya at inilabas na rin ang kaniyang telepono

"Oo ata," maikling sagot ko at bahagyang natawa dahil sa mesaage sa akin ni brad.

"Ah, narinig ko nga na bibigyan din siya ng bagong leading man," agad kong tinignan si Billy habang busy pa rin siya sa pagtitipa.

"Leading man?" kunot-noo kong tanong

Bakit wala man lang nabanggit sa akin si Vice tungkol sa bago niyang leading man?

"RomCom ata yung bagong movie ngayon ni bestie."muli niyang saad

Binaba ko ang telepono ko at nag-iwas ng tingin.

Ilang minutong walang nagsalita sa aming dalawa.

Habang busy siya sa pag scroll sa social media account niya, busy naman ako sa pag-iisip kung sino nga ba ang leading man ni brad at bakit di man lang sinabi sa akin.

"Tingin mo kuys sino magiging leading man niya?" muling saad niya at sandali akong tinignan na may kasamang malokong ngiti.

"Hindi ko alam," sagot ko at umiling










Naghahanda na ang lahat para sa show habang ako, nakahiga lang ako dito sa dressing room.

Gumugulo pa rin sa isip ko kung sino ba yung leading man na yun.



Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto.

Agad ko naman itong pinapasok at umayos nang paghiga.

"Uy bruh alam mo ba na nakipag-meeting na si Vicey sa StarCinema?" saad ni Karylle matapos niya kong pagsabihan na umupo ng maayos.

Para bang nanay kung manita 'tong si Bruh sa pagkakahiga ko. Masama bang humiga ngayong para bang sumasama na ang pakiramdam ko?

"Confirmed na daw na RomCom yung movie niya." muling saad niya at binigay na sa akin ang dala-dala niyang kape mula sa Starbucks na dahilan ng pagpunta niya dito sa dressing room ko.

"Sino daw kasama niya sa movie?" tanong ko

Nginitian niya ako ng nakakaloko tulad ni Billy bago siya muling nagsalita.

"Hindi ko sure bruh," muli niya kong binigyan ng nakakalokong ngiti.

Ano bang meron sa araw na 'to at dalawa na sila ni Billy na para bang pinagtri-trip-an ako sa pamamagitan ng ngiti nila?

"Bakit di mo tanungin bilang ikaw naman ang boyfriend niya," saad niya.

Boyfriend?

Yun nga ba ako para kay Vice?

"Mamaya na lang siguro bruh," malumanay kong sagot at ininom na ang bigay niyang kape.










Nang magsimula na ang show ay nagsimula na rin kaming magkulitan at magpasaya ng Madlang People.

Kaniya-kaniyang lapagan ng entry ng joke. At kaniya-kaniyang asaran.

Pero kahit nakikipagkulitan ako sa kanila, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Billy at Karylle.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now