Dreams Do Come True

257 15 5
                                    

Gaano ba kahaba ang tatlong taon?



Akala ko sa pagbalik ko sa Pilipinas, marami na ang magbabago. Pero sa nakikita ko ngayon, parang gaya pa rin naman ng dati.




Parehas na parehas pa rin ang itsura  airport, sobrang daming tao at may mga delayed ang flights.

May mga natutulog na sa lapag habang ang iba naman nag-iiyakan dahil aalis na ang mahal nila sa buhay.

Yung iba naman, masasabi kong maswerte. Sino nga bang hindi maswerte kung sa pagbalik nila sa bansa ay sigurado silang may sasalubong sa kanila.

Samantalang ako, ito naglalakad sa dagat ng mga tao, walang sumasalubong at walang sasalubong.

Umalis akong mag-isa. Babalik akong mag-isa.


Parang sa pagbaba pa lang ng eroplano gusto ko nang bumalik ulit sa Canada.


At least dun tahimik ang buhay ko. May kasama man o wala alam kong ang dahilan ay dahil wala naman akong masyadong kakilala dun maliban sa mga katrabaho ko.


Samantalang dito, nasa Pilipinas nga ako pero para bang wala pa rin akong kakilalang pwedeng makasama.


At yung taong inaasam kong makasama parang suntok sa buwan nang makita ko pa.



Parang pangarap na lang ata na makasama ko pa siya.



___________

"Welcome back, Architect Navarro!" masiglang bati sa akin ng boss ko.

Kung ano siya nung umalis ako, ganun pa rin siya sa pagbalik ko. Masiyahin nalaging nakangiti nang nakakaloko.

"Thank you, sir." saad ko at minabuti nang ibaba ang gamit ko.

King tutuusin dapat nasa bahay pa ko ngayon at nagpapahinga.

May jetlag pa kong iniinda pero pinagsawalang bahala ko na kasi ayokong maramdaman na mag-isa lang ako.

At least dito sa trabaho, pwede akong magpalunod sa lahat ng gawain kahit ilang plates pa ang gawin ko. Magkakapera pa ko.

Kaysa naman sa bahay ko na magmumukmok lang ako habang iniisip siya.

"By the way, may gusto nga pala akong ipakilala sayo. Siguro naman ay nabasa mo na ang email ko." sa totoo lang hindi ko talaga matandaan o maunawaan kung anong laman ng email niya dahil na rin sa sakit ng ulo ko pero ang alam ko may makakasama ako sa project na 'to.

"I already read it, sir." sagot ko at ngitian naman niya ako

"Kung ganun ay kilala mo na rin ang taong ipapakilala ko ngayon sayo," ani niya at hindi na hinintay ang sagot ko. May tinawag siya sa labas ng aking opisina at agad naman itong pumasok.

Babae?

Nasa email ba niya 'to?

Dapat talaga inintindi ko muna ang email niya.

"Architect Navarro meet Engineer Curtis." pagpapakilala niya pero ni isa ay walang naglakas loob na mag-abot ng kamay sa aming dalawa nang babaeng pinakilala niya.

"Shake hands?" muling saad ni boss nang walang gumalaw sa aming dalawa.

Nagtinginan lamg kami. Parehas na naghihintay na may mauna.

"Nagkakahiyaan pa nga yata kayo kaya sige maiwan ko muna kayo dyan para magkakilanlan pa kayo." tanging saad ni boss bago tuluyang umalis sa aking opisina.

"So, do you have a name?" tanong nang babae at umupo na.

Akala ko pa naman mahiyain siya pero parang hindi naman.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now