Marry Me?

277 15 5
                                    

Another Saturday na walang pahinga. Nakakapagtaka na talaga kung bakit buhay pa siya. Halos sa buong taon wala na siyang naging pahinga. Ngayon niya nga lang ulit nakita ang araw.

"Robert!" dali-dali siyang tinignan ang taong tumawag sa kaniya.

"Kung gusto mong sumabay sa akin pauwi bilisan mong maglakad," saad niya at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit binagalan niya para makahabol sa kaniya ang kaniyang kaibigan.

"Why are you walking so fast?" iritang tanong ng kaniyang kaibigan na hinahabol pa ang kaniyang hininga mula sa pagtakbo.

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang kaniyang kaibigan kaya agad ring napahinto ang kaniyang kaibigan.

"Alam mo Johnny, hindi na kita kakausapin. Hanggang dito ba naman Ingles ka pa rin nang Ingles."

"Ito naman, hindi na mabiro," saad ni Johnny at inakbayan si Robert bago magpatuloy sa paglalakad.

"Rinding rindi na ko kaka-Ingles ng mga tao sa paligid natin, dadagdag ka pa." paano ba naman kasi halos makalimutan na niya na Pinoy siya dahil sa kailangan niyang iwasang magsalita ng Filipino para magkaintindihan sila ng mga pasyente niya.

Tinignan naman siya ng kaniyang kaibigan habang nakangiti.

"Ganun talaga, nurse tayo dito New York malamang puro Ingles ang maririnig natin dito."

" Yun na nga, nurse tayo dito, wala na ngang pahinga dahil kahit day off natin tinatawagan tayo, wala ring pahinga yung utak ko sa pag-intindi ng Ingles na may iba't ibang accent." pagrereklamo niya

Hanggang ngayon kasi parang hindi niya pa rin maramdaman ang mga paa niya dahil sa walang tigil niyang rounds sa ospital. Kung minsan pa nga eh tinatawag siya ng mga pasyente para lang ayusin ang aircon sa ward o sa hospital room nila.

"Alam mo pare samahan mo na lang ako mamaya sa concert ni Benedict." saad ni Johnny at ipinakita sa kaniya ang dalawang concert ticket.

Naguguluhang tinignan niya ang kaniyang kaibigan.

"Teka, wag mong sabihing hindi mo kilala si Benedict?" tanong nito na agad niyang sinagot ng pag-iling.

Dahil nga on call nurse siya, sa ospital na lang umiikot ang mundo niya. Hindi na niya alam kung anong nangyayari sa mundo. Basta alam niya kung merong sakuna o aksidenteng nangyari dahil malamang sa ganung panahon puno ang ospital nila at wala na naman siyang pahinga.

"Hindi lang pala cellphone mo pre yung wala sa uso pati na rin pala ikaw," natatawang saad ng kaniyang kaibigan.

"Sumama ka na sa akin mamaya para naman makilala mo siya at makasabay ka naman sa uso Robert." muling saad nito at inabot sa kaniya ang isang ticket.

Gustuhin niya mang samahan si Johnny ay hindi pwede dahil mayroon na siyang plano para mamaya.

"Pass muna ako tol," ani niya at ibinalik sa kaibingan ang nasabing ticket.

"Mamaya mo na ba planong tanungin si Gwyneth?"

Tanging ngiti lang ang sinagot niya bago magpatiunang maglakad.

Ang tagal na niyang planong tanunging lumabas si Gwyneth. Halos buong buwan niyang pinag-isipan kung paano niya tatanungin ito.

Siguro dala nang tuksuhan nilang magkakaibigan kaya nagkagusto na rin siya kay Gwyneth kahit alam niyang suntok sa buwan na maging sila.

Sino ba naman siya para mapansin ni Gwyneth na isa sa pinakamagaling na doktor sa ospital nila?

Pero nitong nagdaang mga taon ramdam niyang may nararamdaman din ito sa kaniya hanggang sa umamin na nga ito. Kaso nga lang natorpe siya at hindi nakasagot.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now