Mr. Right with the Wrong Number

98 18 5
                                    

Buong buhay ko wala akong maalalang pagkakataon na naghabol ako.

Ni minsan hindi ako naghabol para makasakay sa jeep o bus.

Kasi iniisip ko na kapag hindi ko man naabutan ang isa ay may susunod pa naman na pwede kong sakyan.

Kailangan ko nga lang maghintay.

Ganun din sa tao.

Ni minsan ay wala pa kong hinabol.

Sinubukan ko kay Karylle, kasi akala ko siya na yung para sa akin. Kasi nung una ko siyang nakita at huminto ang mundo ko, akala ko pag nawala siya ay hahanapin at hahabulin ko siya.

Kasi ganun naman talaga pagmahal mo, diba?


Pero nung nakita ko siyang may kasama nang iba, dun ko naiisip na siguro pag may taong nawala sa buhay mo, kailangan mo lang rin maghintay at may darating ding panibago.



At yun si Vice sa buhay ko.

Siya yung hindi ko inaasahang dumating sa buhay ko.


Siya yung dumating sa buhay ko at nanatili, nung iniwan ako ni Karylle.

Siya ang dahilan kung bakit nakayanan ko ang lahat. Kung bakit handa na kong magmahal ulit sa pagdating ni Anne sa buhay ko.




Nakakatawa nga na akala ko si Anne na yung taong hahabulin ko kung sakali mang mawala siya sa akin. Kasi siguradong-sigurado na ko sa kaniya nung nakilala ko siya't napahinto niya muli ang mundo ko.


Kasi sabi nila, ganun daw yun. Makikilala mo yung para sayo kung sa unang pagkikita niyo pa lang ay napahinto na niya ang mundo mo. Yung tipong lahat sa paligid mo nag slo-slowmo.





Pero ito ako ngayon, naghahabol sa taong tinake for granted ko.

Kung alam ko lang nawawala si Vice sa buhay ko, edi sana tinali ko na siya sa tabi ko, kinandado at tinapon ang susi sa malayo.

Literally or figuratively.


Pero wala eh, nagpakampante ako.

Akala ko kasi kung magiging magkaibigan lang kami, mapapanatili ko siya sa tabi ko.


Hindi ko siya masasaktan.

Pero mali ako.


Maling-mali.


Ito ba yung regrets na sinasabi nila?




Yung araw-araw naiisip ko na sana sinabi ko na rin sa kaniya yung nararamdaman ko nung gabing yun.

Kung sana alam ko lang na yun na pala ang huling araw na magkasama kami, sana pala niyakap ko na siya nang mahigpit.


Kung alam ko lang namawawala siyang parang bula edi sana dun na ko natulog sa bahay niya o kaya naman ay hindi ko na siya inuwi.

Kung alam ko lang na hindi na siya magpapakita sa akin, sana pala tinago ko na yung passport niya at tinali siya sa tabi ko.







Kung alam ko lang na hindi ko na siya makikita ulit, tutugunan ko kaya yung nararamdaman at halik niya?



Pero pwera biro, kung alam kolang na mawawala siyang bigla, sana pala binuhos ko na ang lahat ng oras ko sa kaniya.


At kung magpapakatotoo ako, alam ko namang nung panahon na yun ay tinatago ko lang ang nararamdaman ko at ayokong magsabi ng bagay na tiyak na pagsisisihan ko.
















VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now