Audition

965 36 16
                                    

IMAGINE
(VhoIce)

💙Audition💜

Vice: "Hoy Vhong Navarro tulungan mo nga ako!"

Vhong: (tinignan si Vice) Bakit Brad ano ba yan?

Vice: "Tulungan mo kong mag-practice para sa audition ko." (binigay kay Vhong ang script)

Vhong: "Ikaw? Mag-o-aution? Eh Phenomenal Box-office Star ka na, kailangan mo pa bang mag-audition?" (binalik kay Vice ang script)

Vice: "Pag ako talaga nakuha sa audition ko, hindi kita ililibre!" (nakabusangot na sabi ni Vice)

Vhong: "Brad naman, joke lang. Akin na nga yan." (kinuha kay Vice ang script at binasa)

Vhong: "Seryoso ka Brad ito talaga yung script mo?" (tumatawa)

Vice: "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" (naiirita)

Vhong: "Brad ikaw ba ang gumawa nito?" (pinipigilan ang tawa)

Vice: "Ha? Ano? Hindi, hindi ako ang gumawa nyan."

Vhong: "Sige na, umpisahan mo na"

Vice: "Hindi ka naman ganun kagwapo.  Pango ka. Nakakairita yung tawa mong parang wala ng bukas. Ang hilig mo pang mang-asar." (nakatitig lang kay Vhong)

Vhong: "Teka lang Brad, para sa'n ba 'tong audition na 'to?"

Vice: "Para sa bagong movie ng Starcinema."

Vhong: (tumago-tango) "Sige na, ituloy mo na."

Vice: "Pero may aaminin ako sayo."

Vice: "Para sa akin ikaw ang pinakagwapo, kaya nga nakuha mo agad ang atensyon ko."

Vhong: Tapos? (nakangiting lumalapit kay Vice)

Vice: "Mabait ka, kaya nagustuhan kita."

Vhong: "Talaga?" (mas lumawak ang ngiti at lumapit pa kay Vice)

Vice: "Tanggap mo kung sino at kung ano ako, kaya nga nahulog ako sayo."

Vhong: "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng mahulog sa akin."

Vice: "W-wala sa script yan." (nakayuko at di makatingin kay Vhong)

Vhong: "Hindi kasi kita masasalo."

Vice: "Masyado ka nang malapit."

Vice: "Tsaka kung ano-anong sinasabi mo, wala naman sa script."

Vhong: "Walang audition sa Starcinema ngayon, artista din ako kaya alam ko. Isa pa, si Vice Ganda ka na, di mo na kailangan mag-audition."

Vhong: "Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ka pwedeng mahulog sa akin at hindi rin naman kita masasalo dahil pati ako nahuhulog, nahuhulog na sayo."

Vice: "A-ano?" ('di pa rin makapaniwala)

Vhong: "Pasado ka na sa audition sa puso ko." (kinindatan si Vice)

Vice: "Hindi naman ako nag-audition sayo, sa Starcinema nga yun."

Vhong: "Nag-text ako kay Tita Cory, wala naman daw silang pa-audition ngayon. (tumawa)

Vhong: "Sa akin ka nag-o-audition, diba? Wag kang mag-alala Brad, pasado ka na. Ang role mo, ang mahalin ako." (niyakap si Vice)

Vice: "Hindi pa ako tapos."

Vhong: (tinignan si Vice)

Vice: "Nabuko na rin naman ako kaya sasabihin ko na. Mahal kita Vhong Navarro."

Vhong: "Mas mahal kita Babe." (hinalikan si Vice)

Vhong: "Yan muna ang paunang bayad para sa role mo. Wag kang mag-alala sisiguraduhin kong panghabang-buhay na 'to."

Note: Kinilig ka? Basahin mo ulit ang first word sa taas. 😉😂

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now