Happier

1K 36 12
                                    

Happier💙💜

Chapter3

"Hoy Vhong lumabas ka na dyan!" na ngangawit na ang kamay ni Vice kakakatok sa pinto ng hotel room ni Vhong. Daig pa kasi nito babae sa tagal mag-ayos ng sarili.

Tumigil siya sa pagkatok at sumandal muna sa pinto nang bigla na lang itong nagbukas.

"Uy... Pinuntahan niya ko! Ako na ba ang napili mo?"agad na bungad ni Vhong.

Hindi agad nakasagot si Vice. Hindi niya rin naman alam kung anong dapat niyang isagot.

"Biro lang! Alam ko naman talaga kung sinong pinili mo." sabi ni Vhong at tuloy-tuloy nang naglakad, hindi man lang hinintay si Vice.

"Guys nasaan si Anne?"tanong ni Vhong pagkarating sa mga kaibigan niya.

"Yes Vhongskie?" tanong naman ni Anne na kakarating lang dala-dala ang mga bag niya.

"Kung saan-saan ka na naman pumupunta, yan tuloy naistorbo pa si Vice." agad na kinuha ni Vhong ang mga bitbit ni Anne at siya na ang nagdala.

"Sus, aminin mo na lang kasi Vhong, namiss mo lang ako." sabi ni Anne at kiniliti pa si Vhong sa tagiliran.

"I miss you Annie ko." nakangiti lang si Vhong kahit na naging tampulan na sila ng tukso ng mga kaibigan.

"Saan ba tayo pupunta?" singit naman ni Vice sa usapan. Kanina pa siya nasa tabi ni Vhong pero parang hindi man lang siya nito napapansin at patuloy lang sa pakikipagbiruan sa iba.

"Island hopping lang naman yung gagawin natin ngayon."sagot naman ni Karylle. Nasa Sargao sila ngayon para sa vacation nilang magkakaibigan.

"Bilisan niyo na nandyan na yung bangka!" nagpuntahan naman sila sa dalampasigan kung nasaan si Billy kasama ang mga bangkerong magdadala sa kanila sa mga isla.

Nandun din si Terrence na humabol lang sa vacation ng magkakaibigan.

"You look beautiful." sabi ni Terrence kay Vice ng malapitan na siya nito.

"Uy sakay na tayo excited na ko!" pagsabat naman ni Vhong at nauna nang sumakay sa bangka.

***
Sa buong oras na nakasakay sila sa bangka ay hindi man lang nag-usap sila Vhong at Vice. Pag tumingin ang isa, iiwas naman ang isa. Pansin na ng iba ang pag-iiwasan nila

"Dahan-dahan lang sa pagbaba." paalala ni Terrence kay Vice. Naunang bumaba ng bangka si Terrence bitbit ang mga gamit nila ni Vice kaya hindi niya magawang maalalayan si Vice sa pagbaba nito.

"Anne kumapit ka sa akin. Sa akin ka lang dapat ma-fall." kasabay niya sa pagbaba si Anne na sobrang inaalalayan ni Vhong sa pagbaba.

Dahil sa narinig, hindi na niya napansin na may kawayan palang nakaharang sa tatapakan niya kaya bigla siyang bumagsak, mabuti na lang nasalo siya ni Vhong

"Vice dahan-dahan lang kasi sa pagbaba. Ayan tuloy, na hulog ka sa akin." pabirong sabi ni Vhong habang buhat-buhat siya. Nakarinig sila ng kantyawan ng mga kaibigan kaya ibinababa na siya ni Vhong.

"Are you okay? Nasakatan ka?" agad na tanong ni Terrence at tinignan kung may sugat o galos ba siyang natamo.

"Matibay yan pare. Kayang-kaya niya yan." sabi ni Vhong at nagawa pang tumawa ng napakalakas.

***
"Ang ganda dito!" tanging nasabi niya ng makita ang isla. Puting- puti ang buhangin at asul na asul ang dagat napakagandang tignan

"Mas maganda ka." nagulat siya ng may biglang bumulong sa kanya- si Vhong.

Tinignan niya lang si Vhong, nakangiti na ito ngayon sa kanya.

"Vice! Vhong! Sama kayo sa amin dito!" sigaw ni Jhong. Agad silang pumunta sa mga kaibigan at sumama sa groupie nila.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now