Mr. Right with the Wrong Number

217 24 9
                                    

"Hoy, bilisan mo na dyan baka ma-late tayo." ani ko kasabay ng sunod-sunod kong pagkatok sa pinto niya.

Ang aga-aga niya kong tinawagan para magpahatid sa lakad niya ngayon.

Ngayon kasi siya kukuha ng passport dahil balak niyang magtrabaho at manirahan na sa ibang bansa.

"Ano ba?! Baka masira yung pinto ko kakakatok mo," iritang sigaw niya mula sa loob ng kaniyang kwarto.

Muli akong kumatok para lang mambwisit.

Kasi kung tutuusin naman ay meron akong susi sa bawat pintuan sa bahay niya.

Dahil lang sa isang araw na nalasing siya at ako ang kinulit niyang maghatid sa kaniya pauwi kaso nga lang naiwan niya yung susi niya sa comedy bar kaya magdamag kaming nasa kotse, habang hinihintay ko na bumaba ang kalasingan niya.

Kakakatok ko ay nabwisit nga talaga siya at nakabusangot na binuksan ang pinto.

"Akala ko ba nagmamadali ka?" bungad ko nang makitang napakagulo ng kwarto niya. Nagkalat ang mga damit niya at nakatapis lang siya.

Ilang taon na rin kaming magkaibigan kaya sanay na ko sa ganitong eksena. Halos araw-araw ko na tong nakikita, hindi na nakakabigla.

"Oo at akala ko rin ako ang nagmamadali, hindi ikaw." saad naman niya at bumalik sa pamimili ng kaniyang susuotin.

"Umagang-umaga galit ka na agad," umupo ako sa kama niya at inusog ang ilan sa mga damit na nakakalat doon.

Inis niya naman akong tinignan at binato ng t-shirt dahil nagulo ko ang mga damit niya sa kama.

"Kiss mo ko para di na ko galit," ani niya at ngumuso pa.

Mula sa aksidenteng pagkakahalik ko sa kaniya ay hindi na niya ko tinigilan sa joke na yan.

Palagi niya kong binibiro tungkol sa kiss o tungkol sa paghalik ko daw sa kaniya.

Kaya nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko na tila ba hahalikan niya ako ay alam ko na agad ang gagawin ko.

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko at hinalikan ang likuran nito.

"Kahit kailan talaga ang damot mo," sabi niya at nagpa-cute pa nga. Akala mo batang pinagkaitan ng candy.

"Sira ka talaga! Bilisan mo na lang dyan." saad ko naman at binato siya ng damit.

Hinayaan ko lang siyang mag-ayos ng sarili niya at magbihis habang ako naman ang prenteng nakahiga sa kama niya, naghihintay.

"Hoy, aalis ka na ba talaga?" pagbasag ko sa katahimikan nang maipit kami sa traffic pauwi.

Nakakuha na siya ng passport niya at sobrang saya niya dahil nakuha niya ang gusto niyang picture sa passport. Yung tatalo daw sa picture ni Chie Filomeno.

Pero ang alam ko hindi pa siya nakakapili ng bansang pupuntahan niya.

"Bakit na naman?" taas kilay niyang tanong habang pinipilit na maggalit-galitan sa akin.

Saglit ko siyang tinignan at kinurot sa tagiliran habang hindi pa naman umaandar ang daloy ng trapiko.

"Takot ka bang ma-miss ako?" saad niya na may nakakalokong ngiti sa labi.

Napatingin lang ako sa kaniya.

Sa totoo lang ngayon lang kasi kami maghihiwalay simula nung nagkakilala kami.

Siguro nga mami-miss ko ang kakulitan niya.

Napatikhim ako at binalik ang tingin sa daan nang gumalaw na ang mga sasakyan sa harap namin.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now