Fight or Flight

2.9K 43 10
                                    

Oneshot (VhoIce💜)

"Vicey ayaw na sana naming  ipakita 'to sayo kasi alam naming masasaktan ka pero I think you need to know this." sabi ni Karylle habang ipinapakita ang mga pictures sa phone niya

Tila natahimik ang kaninang maingay na coffee shop ng makita ni Vice ang mga pictures ng boyfriend niya na may kasamang ibang babae.

"Vicey alam kong shock ka pa sa mga pictures na nakita mo pero you have to face the truth. Sa ganda ng girl na yan for sure may hidden desire si Vhong dyan."dagdag pa ni Karylle na mas lalong nagpatahimik kay Vice

"Pero baka rin naman mali yung hinala namin ni ate Karylle. Baka naman super close lang talaga sila." sumingit na si Coleen sa usapan nang makitang tahimik lang na nakatitig si Vice sa mga pictures.

"Yeah baka close lang talaga sila gaya ng kung gaano sila ka-close sa pictures na yan. Yung parang magkakapalit na ng faces." inosenteng sabi ni Karylle habang kumakain ng cake

"But knowing kuya Vhong alam kong hindi siya manloloko. Hindi ka niya ipagpapalit." pagtatanggol ni Coleen kay Vhong.

"Pero seeing that girl, maganda, mukhang mayaman, sosyal, maputi, makinis, mukhang namang gumagana pa ang matress and take note,sexy or in other words girlfriend material na maipagmamalaki sa lahat. Imposibleng hindi yan magustuhan ng kahit sinong lalaki." sabi pa ni Karylle

This time, mas kapansin- pansin na ang pagiging tahimik ni Vice na titig na titig pa rin sa pictures.

Napansin ni Vice na parang may kung anong isinusuot sa daliri ng babae si Vhong.

"Ate Karylle!"saway ni Coleen sa kaibigan

"Ate Vice always remember na mahal na mahal ka ni kuya Vhong kaya bago ka magduda idaan mo na lang sa mabuting usapan. Malay mo naman may good reason siya kaya sila magkasama." pilit na sinusubukan ni Coleen na pagaanin ang atmosphere nila kahit na pansin niya na parang may malalim na inisip si Vice

"Ano ba naman kayo? Ok lang ako. Para kayong sira." natatawang sabi ni Vice.

Nagkatinginan sila Coleen at Karylle dahil ramdam nilang nagsisinungaling lang ang kaibigan.

"Kailan niyo ba nakuha yung pictures na yan?" tanong ni Vice

"Kanina lang bago kami pumunta dito."nakakunot- noong sabi ni Coleen. Nagtataka siya sa tanong ni Vice

"Actually sa may jewelry shop namin sila nakita. I think sa may ring sila pumunta." dagdag naman ni Karylle

Nagkatinginan ulit sila na para bang alam na nila ang mali sa kanilang sinabi.

"Sa may mga singsing ba? Diba ano sa may food court sila parang may pinag-uusapan lang diba?" siniko ni Coleen si Karylle para sumang-ayon sa sinabi niya.

***
Sa parehong araw, may date sila ni Vhong
para i-celebrate ang deal na nakuha ni Vhong sa trabaho.

Pagdating palang ni Vhong may napansin na siyang kakaiba kay Vice. Masyadong tahimik at matamlay, iba sa nakagawian niyang aura ng girlfriend niya. Humalik siya sa pisngi nito pero pansin niya na iwas ito sa kanya.

"Mine may good news ako sayo, na-close ko yung deal sa isang big client." hahawakan sana niya ang kamay ni Vice pero iniwas rin ito sa kanya.

"Congratulations."tanging saad ni Vice.

Congratulations lang? Eh dati mas hyper pa sa kanya ang jowa niya pag nakapag-close siya ng deal.

Nagtataka man ay hinayaan niya na lang ito.

"Saan ka galing kanina?"tanong ni Vice

"Mine, galing nga ako sa meeting kasama ko yung client ko."nakangiting sagot naman ni Vhong

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now