Buwan

874 39 5
                                    

Happy Valentine's Day everyone!


Vhong's POV

"Aray naman brad. Dahan- dahanin mo lang nalalamog lalo yung mukha ko sayo." naiiritang sambit ko ng idiin niya ang yelong idinadampi sa pasa ko.

"Yan kasi ang yabang-yabang mong makipagbugbugan tapos ngayon aaray ka," lalo niya pang idinin ito. Loko talaga,siya na nga ang ipinagtanggol, ako pa ang pinagalitan.

"Anong gusto mo, hayaan ko na lang yung boyfriend mong saktan ka?" tinigil niya ang pagdampi sa akin ng yelo at tinignan ako.

Nakikita ko sa mga mata niya, nasasaktan siya. Nasasaktan na naman siya.

"Kung hindi pa ako dumating malamang 'di lang tulak ang inabot mo sa kanya." naalala ko yung nangyari kanina. Sinaktan siya ng boyfriend niya na parang 'di man lang siya minahal.

"Nabigla lang siya kaya niya nagawa yun." sabi ko na nga ba, ipagtatanggol na naman niya yung gagong yun. Parang wala lang sa kanya yung nangyari kanina.

"Nabigla? Nabigla lang ba yung ipinagtabuyan ka niya sa harap ng babae niya at tinulak ka pa. Brad sinaktan ka na nga nagtatanga-tangahan ka pa." hindi ko alam kung mahal nga ba siya nung lalaking yun, pero isa lang ang alam ko mahal na mahal siya ni Vice.

"Mahal ko kasi." sabi niya at malungkot akong ngitian.

"Mahal ka ba?" tanong ko naman.

Hindi siya sumagot agad. Tinitigan niya lang ako. Hanggang sa tumunog ang phone niya.

"Anong nangyari?" hindi ko mapigilan itanong dahil sa ngiti niyang parang ikakapunit ng labi niya.

"Nag-txt na siya! Ako ang pinipili niya!" masayang sabi niya at niyakap ako ng napakahigpit.

Isang txt lang, napaniwala na naman siya. Nagpakatanga na naman siya.

"Sabi naman kasi sayo mahal niya ko. Later na lang Vhongskie, pupuntahan ko muna siya." may gusto pa sana akong sabihin kaso wala na kong nagawa ng bumeso siya sa akin at diretso nang umalis. Iniwan na naman niya ko.

Ganito naman lagi. Ako ang magpapasaya sa kanya at tapos nun babalik na naman siya sa taong mahal niya.

Ilang araw nang lumipas at 'di ko na ulit siya nakita. Siguro masaya siya ngayon, siguro wala silang problema kasi 'di niya ko naalala.

***

Mag-isa kong inaaliw ang sarili ko sa panonood ng pelikula niya. Kahit kailan talaga hindi siya pumalyang pasayahin ako, kahit sa ganitong paraan lang.

Naistorbo ang panonood ko nang tumawag si Billy.

Ano na naman yang kailangan nito?

"Kuys Vhong kailangan ka namin dito sa hospital." agad na kumunot ang noo ko sa narinig ko

"Anong nangyari? Naaksidente ka ba kuys?" nag-aalala na ko. Baka kung ano nang nangyari sa kaibigan ko

"Gago! Hindi ako, si bestie. Nabangga yung kotse niya." mas lalo akong kinabahan sa nalaman

"Anong lagay niya? Ayos lang ba siya?"  wala akong narinig na sagot niya kaya dala ng pag aalala napasabunot ako sa aking buhok.

Nagbihis ako agad at kinuha ang susi ng kotse ko

"Papunta na ko."

***
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto niya rinig na rinig ko ang pagwawala niya.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now