Let Me Be The One

949 27 3
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Nakatitig lang ako sa kanya na para bang ilang saglit lang mawawala na siya sa akin.

Kahit pala ganito kami kalapit, kahit na ilang pulgada lang yung pagitan namin, parang napakalayo niya pa rin sa akin.

"Uy Navarro, hanggang kailan mo ba ko tititigan?" yung ngiti niya, isa yun sa mga mami-miss ko sa kanya

"Gandang-ganda na naman siya sa 'kin hala siya!" dagdag niya kasunod ng kanyang pagtawa.

Kung tulad lang ito ng normal na araw siguro sasabayan ko na yung trip niya, siguro kanina pa kami naghaharutan at nag-aasaran.

Pero iba 'to dahil tinitignan ko lang siya, kinakabisado bawat parte ng mukha niya. Nakakatawang isipin na ang isang Vhong Navarro, yung komedyanteng kilala ng madlang people ay nagpipigil ng luha sa mga oras na 'to.

Naputol ang pagtitig ko sa kanya ng patay-malisya niya kong batuhin ng nilukot niyang tissue.

Napatawa na lang tuloy ako.

May pagkabaliw din talaga 'to. Binato ba naman sa akin yung tissue na pinampunas niya sa kili-kili niya.

"Alam kong gandang-ganda ka sa akin Vhong pero wag mo naman akong titigan ng ganyan." sabi niya at inikutan ako ng mata

Kahit sungitan niya ko parang iba yung epekto. Para bang masaya pa ko. Ngiting-ngiti pa ko.

"Ikaw? Maganda ka? Saan banda?" natatawang pang-aasar ko na ginantihan naman niya ng paghampas sa braso ko

"So hindi pala ako maganda para sayo?" nakalabing saad niya

Hinawakan ko ang kanyang baba at pinisil ito

"Maganda ka. Magandang-maganda sa paningin ko." sagot ko at hinalikan siya sa tukling ng kanyang ilong

"Anong meron bakit ang sweet mo sa akin Navarro?" nakataas-kilay niyang tanong

"Hindi na ba pwedeng maging sweet sayo Viceral?"

Nginitian niya lang ako at inilagay ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Naalala mo ba yung sinabi ko nung sinagot mo ko?" nakalimutan na niya siguro ang sinabi ko kaya 'di siya nakasagot.

Pinagsalop ko ang aming mga kamay bago magpatuloy.

"Ang sabi ko, araw-araw kitang liligawan, papasayahin, papaligayahin at mamahalin."

Napapangiti ako habang inaalala yung panahon kung kailan niya ko sinagot. Isang pagkakataon na matagal ko nang hinintay.

"Tandang-tanda pa ah" pabiro niyang saad

Tandang-tanda ko pa kung paano ko minahal ang isang taong dapat siguro nanatili na lang bilang kaibigan.

"Masaya ka pa ba sa 'kin?" marahil ay nabigla siya sa tanong ko kaya agad niya kong tinignan

Paano niya kaya nagagawang ngumiti sa harap ko kahit na nasasaktan na siya?

"Bakit mo naman yan natanong?" bakas ang pagtataka niya sa dahil sa pagkunot-noo niya

"Masaya ka pa ba sa kung anong meron tayo?"

Tinitigan niya lang ako. Ngunit napangiti ako dahil alam ko na ang sagot at tanggap ko na.

"M-masaya ako" nagsisinungaling siya, alam ko

"Pag 'di ka na masaya, sabihin mo lang. Pag may iba nang nagpapasaya sayo, sabihin mo lang sa akin." hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya

"Kung ano-ano na namang iniisip mo" muli siyang ngumiti. Pero sa pagkakataong ito, halata nang pilit lang ang kanyang ngiti

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now