I Love You

381 15 6
                                    

"I love you"



Three words with millions of feelings.



Ang daling banggitin ng mga salitang yun.


"I love you"


Minsan pa nga iba pa yung spelling.



"Labyu"

"Wuv u"

"Luv u"



At marami pang iba't ibang bersyon.



Pero kahit gaano kadaling sabihin ang mga salitang yun, para sa akin hindi dapat yun ginagawang biro.

Paano nila nagagawang biro ang mga salitang nagsasabi ng pagmamahal?



Ang sarap isipin na sa loob ng tatlong mga salita, nakapaloob na dun ang ilang milyong pakiramdam.

Marahan kong isinara ang laptop ko.

Tatlong salita pero hanggang ngayon wala pa kong masabihan.


Dahil pag nag- "I love you" ako, totoo at walang halong biro.

"Kuys Vhong tapos na ba yung drafts mo?" tanong sa akin ng aking editor

"Oo kuys Teddy, kakatapos ka lang rin." sagot ko at inabot ang kaninang mainit na kape at ngayon at tila ba relasyong nanlalamig na.

"Anong title naman ngayon ng ipu-publish mong book?" tanong naman ng isa ko pang katrabaho na si Jugs.

Muli kong binuksan ang laptop ko at pinakita sa kanya ang draft ko.

"Three words with Millions of Feelings"

"Parang may pinaghuhugutan yung title na yan kuys ah," pang-aalaska niya

"Paano ba naman kasi, tinamaan na ata yan dun sa isang author sa kalaban nating publishing company." minsan talaga nagsisisi na rin akong nagkwekwento ako kay Teddy.

"Uy hindi ah," pagtatanggi ko at inubos na ang aking kape

"Para sa kanya yan diba?" tanong niya

Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong at tumayo ako para kumuha ng pagkain sa pantry namin.




Three words with millions of feelings.



Muli kong tinignan ang instagram account ko.


Nag-react siya sa post ko.


Hindi ko alam kung sa kanya ko na ba sasabihin ang tatlong salita na yun.

Pero tama si Teddy para sa kanya yung librong ipu-publish ko.

Sa kanya ko itinulad yung lead character ko.

Hindi ko alam kung anong meron siya. Pero nakuha niya ang atensyon ko.


Marami namang ibang magagaling na authors, mula man sa company namin o mula sa kanila, pero siya ang pinakagusto ko.

Gusto ko kung paano niya isinasalaysay ang kwento niya, kung paano niya binibigyang buhay ang mga tauhan niya at kung paano niya nilalagay ang emosyon niya sa pagsulat.

Ni minsan hindi pa ko naging ganito sa ibang authors.

Binabasa ko lahat ng gawa niya.

Pinupuntahan ko lahat ng events na nandun siya.

Tuwing magpu-publish siya ng libro niya, nandun ako.

Sa tagal ko nang humahanga sa kanya, hanggang ngayon hindi pa rin kami magkakilala.
















VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now