I Still Love You, Hater

331 21 13
                                    

Sabi nila love your enemy. Sa sobrang pagiging masunurin ko, minahal ko nga talaga ang taong itinurin kong kaaway.

_____

"Vhong, congratulations!" agad na bungad sa akin ng isa sa mga katrabaho ko nang makabalik ako sa opisina.

"Thank you," saad ko at inilapag na sa aking lamesa ang dala-dala kong kape. Medyo inilayo ko ito sa aking plates.
Ayoko naman kasing umulit pa sa pag gawa kung hindi sinasadyang matapunan ko 'to ng kape.

" Mukhang mabisa talaga ang lucky charm mo at nakuha mo na naman yung client natin," napatingin ako sa kaniya at dun ko lang napansin na hawak-hawak na pala niya ang picture na iniingatan ko.

"Ibaba mo yan," seryosong saad ko. Agad naman niyang ibinaba ito at itinaas ang mga kamay bilang pagsuko.

Kinuha ko agad ito at pinunasan ang picture frame at maiingat na inilapag muli sa desk ko.

"Sino ba kasi yung taong yan at ganyan na lang yung pag-iingat mo sa picture na yan?" Gusto ko rin sanang itinanong kung sino ba siya at bakit nangengealam siya sa buhay ko.

Pero hinayaan ko na lang at pinagmasdan ang picture naming dalawa.

"My enemy." sagot ko sa kaniya at  tinignan niya lang ako na para bang gusto niya pang ipakwento sa akin ang kwento namin ng taong nasa picture kasama ko.

"Oh, si Ella yan, his best friend." saad naman ni Anne at humalik sa aking pisnge.

"Anne?" nagtataka ako kung bakit siya nandito. Sa pagkakaalam ko ay nasa Davao dapat siya ngayon para sa kaniyang trabaho.

"Na-miss kita kaya pumunta ako dito and I heard na nakuha mo daw yung client niyo." Inayos niya ang kwelyo ng damit ko at hinila ito upang halikan ako.

"Anne," pagsaway ko at dumistansya sa kaniya.

"Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin dahil lang sa isang gabi na yun?" ramdam ko ang pagkairita niya sa kaniyang pagtatanong.

Muli ko na namang naalala ang gabing yun. Ang gabi bago ang birthday ni Ella.

"Hindi yun isang gabi lang." saad ko at tinalikuran siya para asikasuhin ang plates ko.

"Vhong third year palang tayo nun, for Pete's sake naka-graduate na tayo lahat-lahat and may trabaho na tayo, hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?"

Frustration. Yun ang naririnig ko ngayon sa kaniya.

Pero hindi ko rin alam kung may kapatawaran ba talaga ang ginawa niya.

"Saying no on my proposal is one thing. Kasi naiintindihan ko naman na bata pa tayo nun, na hindi ka pa ready at masyadong mabilis ang lahat para sa atin. Pero yung betrayal na ginawa mo kay Ella is another thing, at yun ang problema natin dito."

Naalala ko ang gabing yun. Pinaghandaan ko ang lahat para lang sa proposal na yun.

Halos lahat ng inipon kong pera ay inilaan ko para sa special date namin para sa special na araw sana sa pagitan naming dalawa. Pinili ko pa ang pinakamagandang singsing na nakita ko. Halos maubos ang lahat ng ipon ko para lang dun at nagtira lang ako ng pera para sa birthday ni Ella.

Akala ko kasi talaga si Anne na yung para sa akin, kaya hindi na rin ako naghintay pa at agad na kong naghanda para sana sa susunod na stage ng relasyon namin.

Pero sa gabi na yun, hinindian niya ako at yung gabing yun rin ay nagpapasalamat ako na humindi siya kundi makakagawa ako ng isang malaking pagkakamali na hindi ko mapapatawad maging ang sarili ko.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now