Mr. Right with the Wrong Number

237 17 14
                                    

Days.

Months.

Years.

Gaano katagal ba bago mo malaman kung sino ang taong gusto mong makasama habang-buhay?

Ako kasi, ilang taon ko nang iniipon ang lakas ng loob ko para tanungin ang taong pinakamamahal ko.

Hindi ko alam, pero baka nga tulad sa mga telenovela, sa unang beses na makikita mo siya, titigil ang mundo. Hihinto ang paligid na para bang kayong dalawa lang ang tao.

Slow motion

Or slow-mo

Dahan-dahan siyang maglalakad papunta sayo.

Tapos yung tibok ng puso mo parang pinapatigil niya rin habang nginigitian ka niya nang napakatamis.

Tapos magugulat ka na lang na nakalagpas na siya sayo.

Kasi ganun na ganun ang naranasan ko kay Karylle.

She's perfect in every way.

Too perfect.

Yung tipong ang hirap abutin.

Yung pag-iisipin ka kung tama bang magustuhan mo siya samantalang hamak na normal na tao ka lang.

Siguro nga napakaswerte ko na, kasi ang hamak na normal na taong tulad ko ay minahal ng babaeng tulad niya.

Nung unang beses ko siyang nakita, alam ko nang siya na ang taong gusto kong makasama habang-buhay. Kahit na hindi ako sigurado kung pwede ba ang gusto ko o kung magkakatotoo nga ba ito.

Kaya ngayong araw na 'to, pinaghandaan ko ang lahat para tulad niya, maging perpekto din ito.

"Hi, Love," bati ko at pinaghila siya ng upuan.

"Anong special occasion ngayon, Vhong?" nakangiting tanong niya.

"May gusto lang akong itanomg sayo," saad ko.

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang kinukuha sa aking bulsa ang box ng singsing.

"Karylle, will you-," hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang tumunog ang phone ko.

May tumatawag.

Pero unknown number.

Kung prank call lang to, napaka wrong timing naman niya.

Tutal naman hindi ko naman alam kung sino ang tumatawag sa akin.

Ibinaba ko ang phone ko sa mesa at muling tinignan si Karylle na naghihintay sa sasabihin ko.

"Karylle, will you-" muli na namang tumunog ang phone ko at agad kong pinatay ang tawag.

"Karylle, will-" muli na namang tumawag ang taong 'to.

Pinatay ko muli ang tawag at itinaob ang phone ko.

Inayos ko ang damit ko at naghanda nang lumuhod.

"Karylle-" muli na namang nag ring ang phone ko.

Hindi na naman natuloy ang sasabihin ko pati na rin ang pagluhod ko dahil sa tawag.

"Vhong sagutin mo muna yung tawag baka importante." nakangiting saad niya pero dama ko na rin na naiirita na siya sa kanina pang tumatawag sa akin.

"Alam mo, ako na lang ang sasagot." saad niya bago kunin ang phone ko at sagutin ang tawag.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ng nasa kabilang linya pero nakita ko kung paano nawala ang ngiti ni Karylle at galit na tumingin sa akin.

"Cheater!" sigaw niya kasabay ng  pagsampal sa akin.

"Anong ginawa ko?" naguguluhang tanong ko habang hinahaplos ang pisngi kong sinampal niya.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now