Home

261 12 4
                                    

Home.


Sa tagalog tahanan.



Minsan nalilito ang marami sa pinagkaiba nito sa house.




Ang house ay bahay.




Kongretong straktura na dahilan kung bakit meron tayong nasisilungan.



Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao para mabuhay.



Pero ang home o tahanan ay hindi lang basta straktura. 



Hindi basta kahoy, bakal, semento, bato o hallow blocks.


Ang tahanan ay kung minsan tao rin.



Taong mahal natin.



At mahal tayo.


Yung nagpapawi ng lungkot at pagod natin.


Yung kasama natin sa saya at pagtawa.


Kasama natin sa hirap at ginhawa.


Yung taong gusto nating makasama habang buhay.

Yun ang tahanan.

Home.





At kapag nahanap mo na siya, hindi mo na siya dapat pakawalan.

Katulad ng ginawa ko.

Wala na kong araw na palilipasin na hindi ako nakasisigurong siya na ang magiging tahanan ko.









"Ano na naman 'to Navarro? Anong pakulo 'to?" pabirong pasusungit niya.

"Teka lang, Viceral." pabiro ko ring ani.

Nakapiring man ay kinurot pa rin niya ang tagiliran ko.

"Aray," angal ko at hinaplos ang tagiliran kong kinurot niya.

Pinanggigilan na naman ako.

"Anong Viceral, ha? Viceral na lang ako ngayon sayo?" saad niya at akmang kukurutin na naman ako.

Buti na lang nakapiring siya at magaling akong umiwas.

"Bakit Viceral ka naman talaga, diba?" pabiro kong tanong habang inaalalayan siya papasok sa kung saan kami unang nagkita.

Tandang-tanda ko pa ang una naming pagkikita.

Sa mataong lugar na to, kung saan lahat ng tao ay nag-uunahan at pumipila para lang makapagkape.

Habang lahat ay nag-uunahan, huminto naman ang mundo ko nang makita ko siya.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight.

Dahil paano mo mamahalin ang taong unang beses mo pa lang nakita?

Pero ang alam ko, nung nakita ko siya, huminto ang mundo ko at para akong naka-fast forward kung saan siya na ang kasama ko sa pagtanda.

Hindi ko alam kung dahil ba sa nagagandahan ako sa kaniya o dahil sa kakaibang pakiramdam na para bang matagal ko na siyang kilala.

Kung meron namang pinagtagpo ng tadhana, kami na ata yun.

Dahil wala na kong ibang maisip na dahilan kung bakit ko naramdaman ang bagay na yun.

"Ah, kaya Viceral na lang ako ngayon sayo? Hindi na 'MINE'?" pabirong sagot niya rin sa akin.

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now