Happier

1.4K 32 18
                                    

Happier

"Bakit kasi kailangan pang umalis? Bakit ang layo-layo ng pupuntahan tapos ang tagal pang babalik?" patuloy lang sa pagmamaktol si Vice kahit na mag-isa lang siya sa madilim na garden ng hotel.

Nasa garden siya ngayon ng hotel ni Billy habang ang mga kaibigan at ang boyfriend niya ay nagsasaya sa loob .Nagpa-party ang mga kaibigan ni Vhong dahil aalis na 'to papuntang Davao para sa malaking project niya.

Hindi sang-ayon si Vice sa pag-aalis nito pero wala naman siyang magawa kun'di ang magmaktol.

"Kasi nga kailangan para sa trabaho, pero babalik din naman." nagulat siya ng may sumagot mula sa likuran niya.

Madilim ang garden at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw dito.

Nagtangkang umalis si Vice ng makita ang taong sumagot sa kanya. Si Vhong.

"Uy Babe naman, wag ka namang umalis." pinigilan siya ni Vhong sa pag-alis at niyakap mula sa likuran

"Bitawan mo ko o duduraan kita!" masungit na sabi niya pero tinawanan lang siya ni Vhong

"Tsaka anong ginagawa mo dito? Diba aalis ka na?" alam ni Vhong na ayaw ni Vice ang pag-alis niya kaya hindi na bago ang pagsusungit nito sa kanya

"Babe naman, one week pa bago ang alis ko." sabi ni Vhong pero na natiling tahimik si Vice

"Babe aalis ako kasi kailangan sa trabaho. Pupunta ako sa Davao para mai-close yung deal na napakamahal. Pag na-close ko yun magpapakasal na agad tayo kahit saang lupalot pa ng mundo."

"Bakit kasi ang layo ng pupuntahan mo?" hinarap na siya ni Vice at ito naman ang yumakap sa kanya

"Babe, sa Davao lang yun. Parte pa rin ng Pilipinas. Iisang araw pa rin naman yung sisikat sa atin."natatawang sabi ni Vhong

"Two months ka pa rin dun. Paano kung may makita kang mas maganda dun, mas maipagmamalaki mo, mas-" hindi na pinatapos ni Vhong ang sasabihin nito at hinalikan siya sa labi

"Walang mas hihigit sayo Vice. Itong Vhong Navarro na 'to, sayong-sayo lang." hinalikan niya muli ang labi nito

"Two months lang ako dun, parang magpapapicture lang ako tapos uuwi na. Ganun lang ako kabilis dun." nakangiting sabi ni Vhong at hinila na si Vice paalis ng garden

"Uy saan tayo pupunta?" tanong ni Vice habang nagpapatianod kay Vhong

Nginitian lang siya nito bilang sagot

***

"Nakakaloka! Ang dilim, nasaan na ba yung mga tao dito?" tanong ni Vice ng makarating sila sa napakadilim na hotel lobby

"Ewan ko. Teka lang titignan ko." sa dilim ng lobby halos 'di niya na maaninag si Vhong at tanging yapak lang nito ang naririnig

"Vhong ano na? Huy nasaan ka na?"sigaw niya ng ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring Vhong na nagpapakita sa kanya.

Nasilaw siya sa biglaang pagbukas ng mga ilaw kaya pumikit siya saglit at pagdilat niya, nakita niya ang kanyang boyfriend na may hawak na pulang rosas, ang mga pictures nilang nakasabit, isang bandang tinutugtog ang theme song nila at ang mga kaibigan niyang may dala-dalang tarpuline

"Babe one week na lang pupunta na ko sa Davao. Two months tayong hindi magkikita. Natatakot ako kasi ang dami kong kaagaw sayo. Paano kung habang wala ako, may magtangkang umagaw sayo, anong gagawin ko?" sabi ni Vhong papalapit sa kanya

"Babe hindi ako magpapaagaw kahit kanino."sagot naman niya

"May tiwala ako sayo Babe pero sa kanila wala. Kaya para sigurado" on cue, ipinakita na nila Billy ang nakasulat sa tarpuline

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now