Chapter 10 : The Visit

362 5 0
                                    

Kinabukasan, sabay naming sinundo ni Noah sina Mom and Dad, kasabay nito ang parents niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinabukasan, sabay naming sinundo ni Noah sina Mom and Dad, kasabay nito ang parents niya. We went to the airport early in the morning.

Mabuti na lang at private plane ang sinakyan nila. Walang tao maliban saamin at ang piloto't mga cabin crew.

Napangiwi nalang ako nang salubungin ako ng mahigpit na yakap ni Mom at ni Tita Fi. Si Dad at Tito Wilmar naman ay parehong nakangisi lang.

"Hello there, darling! How are you?!" Si Tita Fi iyon na halos mawalan na ng mga mata sa sobrang ngiti.

"I'm alright, Tita."

"Grabe! Manang mana talaga sa'kin ang anak mo, Via! Stunning!"

Nagtaas noo si Mom saka bahagyang ngumisi. Proud na proud. "I have the genes, Fi. C'mon." Simpleng turan nito.

"And I have too." Sulpot ni Dad saka hinalikan ako sa noo. "How's my baby?"

"I'm doing good, dad." I answered smiling.

Bumaling ito kay Noah at pinagtaasan ito ng kilay. "How's my son in law?" Saka ito tumawa.

"Great. As always, tito Tino." Saka ako hinapit sa bewang. Napatingala tuloy ako sa kan'ya pero nanatiling sa parents namin ang tingin niya.

Nagkwentuhan pa muna kami bago sila tuluyang sumakay sa private van. Kami naman ni Noah ay sa sasakyan niya.

"Ilang days raw sila rito?" I asked while looking ahead. Nakasunod kami sa van kung saan lulan sina Mom.

"I don't know. Biglaan ang uwi nila." He answered while his eyes are still on the road. "Maybe about 2 to 3 days?"

I nodded. Pagkatapos ay tahimik na kaming bumyahe.

Nakarating agad kami sa bahay. Nadatnan namin ang mga tao na kinuha namin ni Noah na busy-ing naghahanda sa simple naming salo salo. Our parents doesn't want a simple celebration, but Noah and I insisted.

Besides, our marriage is not planned that way--na kagaya ng iniisip ng parents namin.

Ilang oras lang rin ang dumaan at nagsidatingan na rin ang mga kaibigan namin ni Noah. Agad kong sinamaan ng tingin si Raf. How dare he told  my parents about the marriage?!

Prente niya lang naman akong nginisihan saka pinagtaasan ng kilay. Huh! The nerve of this guy!

"You okay, Vanna?" Si Abby na agad lumapit saakin pagkarating. Nandito kami sa bar counter habang sina Mom ay busy-ing nagkukwentuhan sa living room.

Nagkibit balikat lang ako. "I guess."

"Oh my god! Sinabi ba talaga ni Raf kina Tita?!" Si Tiana na agad kong pinanlakihan ng mga mata dahil baka marinig nila Mom.

"Lower down your voice, Tiana." Si Abby iyon.

"Argh! Raf is so manipulative talaga!" Inis niyang sambit.

The Night It Happened [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon