I stayed temporarily in one of the well known hotels here in Morocco habang naghihintay ng available flight pabalik ng pilipinas.Hindi ko na rin kinuha pa ang mga gamit ko sa bahay ni Noah. He can keep it for himself. I don't care.
"Wait, you mean Madelaine Reine Renoveza?" Asked Tiana. Nanlalaki ang mga mata habang kumakain ng lasagna. Nasa tabi niya si Abby habang ka face time ko silang dalawa.
Nagkibit ako ng balikat habang sumisimsim ng orange juice ko. Nandito ako sa dining hall ng hotel na pinag stay-yan ko. I bought a laptop just to talk to them.
"You know her?" I asked all of a sudden.
"God, Vanna. Hindi mo siya kilala?"
"I won't ask if I already knew her." I sarcastically said.
"Siya lang naman ang ka isa isang naka long term relationship ni Noah noong college." Si Abby na ang sumagot. Nakataas pa ang kilay.
"How long?" I asked.
"Uh, wait, 2 months?"
Napairap ako sa kawalan. "Too long, huh?" Nahimigan doon ang pagiging sarkastiko ko.
"2 month's too long for a bachelor like Noah. Alam naman natin kung gaano siya kadalas magpapalit palit noon ng babae, right?"
"So?" Sumubo ako ng lemon cake.
"So? It means ito lang ang ka isa isang babae na sineryoso niya. And to think na nagkasama pala sila sa Singapore. Maybe they got back together?"
Natahimik ako. Bumigat agad ang dibdib ko pero hindi ko iyon pinansin pa't uminom nalang ulit ng orange juice.
"Pero hindi naman siguro papasok sa gan'tong sitwasyon si Noah kung seryoso siya kay Maddy, right?" Inosenteng sabat ni Tiana. "I mean, you two are married. Siguro naman hindi siya pumayag na ikasal sayo out of pity?"
"Tatiana!" Singhal dito ni Abby. Mukhang pinapatigil na sa pagsasalita ng kung ano ano.
At sa pangalawang pagkakataon, natahimik ako. Bumigat ang dibdib ko at ang paghinga.
"You okay, Van?" Si Abby.
Napabuntong hininga nalang ako bago nagsalita. "I have to go." I said bago sinara ang laptop.
My appetite's gone kaya naman naisipan kong bumalik nalang sa hotel na tinutuluyan ko. The rest of the day, nanatili lang ako doon. Tried talking to my parents na uuwi na ako agad at hindi ko kasabay si Noah sa pag uwi.
They become worried. Bakit daw ako lang mag isa. I tried changing the topic as much as possible para hindi na sila magtanong pa.
I hugged my pillow so tight.
Ang bigat bigat ng dibdib ko. Marami akong tanong sa utak but I kept refraining myself. I don't wanna overthink.
Maybe I just miss mom and dad. Hindi ko sila nakasama ng matagal nang makauwi sila. Now I wanna go back to the philippines as soon as possible.
BINABASA MO ANG
The Night It Happened [R-18]
RomantiekNoah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In his 30 years existence, hindi niya naisip ang salitang kasal. He doesn't need it. He doesn't believe...