"Why are you with that guy?"Pinagtaasan ko ng kilay si Noah habang inilalabas ang mga pinamili ko sa plastic bag.
"I told you for the nth time, Noah. Nagkita lang kami ro'n. He's out for grocery too kaya nagsabay na kami. I don't have a car to bring so pinasabay niya na ako."
"Magkasama kayong nag grocery?" Tumaas ang sulok ng labi niya habang sinusundan ng tingin ang ginagawa ko.
"Well, you can say that." Nagkibit ako ng balikat. "Why are you so early by the way? Akala ko ba mamaya ka pa?"
Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga bago naupo sa kaharap na high chair. "I ended the meeting early para sana samahan kang mag grocery."
Nabaling ang tingin ko sa kan'ya nang dahil sa tinuran niya. Napakurap kurap pa ako pagkatapos ay tipid na napangiti.
"Why?" I asked.
"What's why?" Tumaas ang isang kilay niya. Naiirita na. "You're my wife. Ako dapat ang kasama mo sa grocery at hindi kung sino sino lang."
Natawa ako as I leaned closer to face him. "Silly, Noah. Nakalimutan mo atang bestfriend mo rin ako?" Ngumisi ako. "I know you pretty well. Do you still hate Luther?"
"What?" Doon siya napaatras na kuntodo kunot na kunot pa ang noo. "No fucking way." Umiling iling pa siya pagkatapos ay napaiwas ng tingin.
Napahalakhak ako. "C'mon, Noah. Luther's a nice guy. Kung hindi mo nga lang siya pinahirapan noon sa panliligaw, baka--"
"Baka ano?"
I grinned. "Baka.."
"Say it and I'll shoot him dead." Mariin niya akong tinitigan.
Nawala ang pagkakangisi ko at napalitan iyon ng pagkamangha habang nakatingin sa galit na mukha ni Noah. Mariin ang mga titig niya sa'kin. Kung iba sigurong tao ang makakita sa kan'yang gan'to, matatakot. He's too intimidating to look at when he's this mad. So intense..
Sumagi sa isip ko bigla ang tinuran ni Luther kanina. 'Still possessive of her, huh?' Mula pa man noong college ay mahigpit na ang bantay saakin ni Noah. I really don't mind. Lalo na noong may mga nagsimula na saaking manligaw. Kada malalaman na nilang bestfriend ako ng isang Noah Trevor Sandoval, they'll back off immediately. As if they'll gonna ripped off and die kung itutuloy nila.
Isa sa mga masusugid noon at hindi nagpadala sa takot si Luther Hao. A soccer player and an engineering student. Lagi niya akong aabangan para ihatid pauwi. Well eventually, minsanan lang iyon mangyari dahil lagi ring nakaabang saakin si Noah.
Isa si Luther sa mga--well, pinahirapan ni Noah. Kaya rin siguro ako NBSB at hopeless romantic, ay dahil na rin sa sobrang higpit niya noon.
Ngayon ko lang tuloy nakwestiyon ang sarili ko, kung bakit nga ba mahigpit si Noah saakin? I wonder why..
BINABASA MO ANG
The Night It Happened [R-18]
RomansaNoah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In his 30 years existence, hindi niya naisip ang salitang kasal. He doesn't need it. He doesn't believe...