I decided to go back to work after 3 weeks of staying at home and being miserable. I'm done with that bullshit.
Sa loob nang tatlong linggo ay wala paring Noah na nagpakita. I'm not gonna lie, but I waited for him.
Pero siguro nga ay bumalik na siya sa impaktang iyon at masaya na sila ngayon. Wala na rin naman akong balita kay Madelaine. Itago niya pa sa palda niya si Noah, o ikulong niya sa pamamahay niya, I don't care.
Pinasadahan ko ang kabuuan ko suot ang isang red fitted dress na hindi aabot hanggang tuhod. I'm also wearing my 4 inch black high heels. Not to mention my stunning make up na pinagpaguran ko ng isa't kalahating oras.
Pagkatapos ay bumaba na agad ako't sumakay sa sasakyan ko. Bago ko iyon imaniobra ay sinipat ko muna ang cellphone ko't nakita ang maraming missed calls and messages ni Caitlyn.
Napahinga nalang ako ng malalim saka iyon inilagay sa bag ko't nagsimula nang magmaneho.
Hindi nagtagal ay nakarating rin agad ako sa harapan ng kompanya. Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakababa ay nasulyapan ko na agad ang sandamakmak na presscon sa labas ng building ko. May pinagkakaguluhan sila sa loob na hindi ko alam kung ano o sino.
Anong meron?
"What the hell?" I whispered then manuevard the car at the parking lot. Dumiretso ako sa likurang building dahil naroon ang parking space. Nang huminto ay kinuha ko agad ang cellphone ko't nakita ang tumatawag na si Caitlyn.
I answered it right away.
"Miss Vanna!" Hysterical niya agad na sagot.
"What happened?" I asked.
"Miss Vanna andaming press po ngayon dito. Ilang araw na po. N-Nagtatanong po sila kung totoo po bang third party p-po kayo sa relasyon ni Sir Noah at ni Miss Madelaine."
Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng sekretarya ko. Somehow, nahinuha ko na na mangyayari ito. I just didn't know that Madelaine can really be this low. I just gave her the benefit of the doubt but it turned out I was right.
Napabuntong hininga nalang ako. "Alright. Papunta na 'ko diyan." I said determined.
"May isa pa pala, Miss Vanna..Narito rin po si Miss Madelaine. Kausap po ang ibang presscon."
Nakagat ko nalang ang pang ibabang labi sa pangalawang beses niyang ibinalita. Napapikit na ako't nasapo ang ulo. Sumakit bigla iyon.
"N-Narito po siya Miss Vanna. T-Tingin ko rin po ay siya ang nagpatawag sa mga press."
Naibaba ko agad ang tawag dala ng nararamdamang stress. I managed to calm myself after a moment pero hindi no'n natanggal ang nararamdaman kong galit sa babae.
Ang kapal ng mukha para gumawa ng eksena sa sarili kong kompanya.
Nang sandaling huminahon ay inilabas ko ang mamahalin kong red lipstick na gawa pa sa sarili kong brand, at idinampi iyon sa labi ko. Inayos ko din ng bahagya ang nakapusod kong buhok saka huminga ng malalim. I took my expensive Louis Vitton Shades saka iyon sinuot.
Tinignan ko ang sarili sa rear view mirror bago ngumisi.
You want some attention, huh? Then I'll give what you ask for, Madelaine.
Mabilis kong iminaniobra ang sasakyan ko't inilabas iyon mula sa parking lot. Eksaherada ko iyong inihinto mismo sa harapan ng kompanya ko kaya nama'y nakaagaw agad iyon ng pansin sa karamihan ng presscon na nasa loob.
"Narito na si Miss Savanna!"
Malakas na sigaw ng isang lalaki kaya nama'y parang mga asong nagsilapitan ang mga ito kung saan ako naroroon.
BINABASA MO ANG
The Night It Happened [R-18]
RomanceNoah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In his 30 years existence, hindi niya naisip ang salitang kasal. He doesn't need it. He doesn't believe...