Dadagdagan ko lang mga winrina fanfic. It's my first time though, kaya medyo sabaw.
-------
Pwede ba!?
Kahit ngayong sabado lang wag nyo naman akong bulabugin. Gusto ko pang matulog!
"Aba na bata ka! Bumangon kana dyan!" kanina pa ako sinisigawan ni Mama. Halos masira na rin yung kumot ko sa kakahila nito.
"Winter, bumangon kana dyan o tatadyakan kita!?"
"Ito na Ma! Babangon na nga eh!" inis na inis na bumangon ako. Si Mama naman ay agad akong hinampas ng unan sa mukha. Makahampas to si Mama parang di nya ko anak. Ano ba kasi meron ngayong sabadong ito!?
"Magmadali ka at yung inutos ko sayong bilhin mo sa palengke bilhin mo na ng may makain mamaya." ito namang si Mama makautos kala mo mawawala yung palengke.
"Ma naman eh! Aga aga pa kaya." pagrereklamo ko. Hinamapas nya ulit ako ng unan. Nakakarami ka na Ma.
"Winter alas dyis na! Magmadali ka na." hinatak nya pa yung kumot na nakapulupot sa katawan ko bago sya tuluyang lumabas ng kwarto.
Inis na tumayo ako. Bwisit naman gusto ko pang matulog eh.
Padabog akong lumabas ng kwarto at diretsong tinungo ang sala. Kinuha ko yung pandesal na nakalapag sa lamesa at sinimulang kainin ito. Bwisit talaga, ang pakla ng lasa. Di pa pala ako nakapagmumog.
Nagmadali na akong mag-ayos dahil halos ipagtulakan ako ni Mama sa CR.
"Ayusin mo pagmamaneho ng tricycle Winter." kanina pa inuulit ulit ni Mama ang mga yan. Oo marunong akong magmaneho ng tricycle. Tinuruan ako ni Papa noong grade 10 ako, mabilis naman akong natuto kaya noong 17th birthday ko ay ibinigay na ni Papa itong tricycle sa'kin. Thank you ulit Papa in heaven.
"Sirang plaka tayo Ma? Ang galing ko kayang magma--Aray!" makabatok tong si Mama para akong ibang tao.
"Wag ka ng magyabang dyan. Bilis lakad na." sabi nya with matching tulak pa sa'kin. Nakakarami na tong si Mama.
Sabado eh, dapat pahinga lang ako.
Kanina pa ako naiirita sa kotseng nasa likod ko. Like, hello!? ang lapad ng kalsada ba't di pa sya nagovertake? Halata namang nagmamadali sya dahil halos kanina pa sya bumubusina. Sumenyas na ako na pwede syang mauna, halos imaneho ko na nga yung tricycle ko sa gilid ng kalsada. Ano bang driver meron ang kotseng to? Ba't parang ang engot.
Sinulyapan ko ulit yung kotse sa likuran ko. Pulang Ford Ranger, halatang bagong labas lang sa garahe sa sobrang linis nito.
Lechugas!
Ang sakit lang. Muntik na akong tumalsik dahil sa biglaang paghinto ko.
Buti nalang talaga at agad akong nakapreno. Lintik na aso to papatayin pa ako. At yung kotseng nakasunod sa'kin ay bumangga pa sa likod ng tricycle ko. Pakshet malupet!
Bumaba ako ng tricycle at tinignan ang likuran nito. Nakahinto rin yung pulang Ford. Lechugas! Nayupi ng onti yung likuran ng tricycle samantalang may konting gasgas yung unahang bahagi ng kotse. Bwisit! Baka maisipang maningil ng driver, basta wala akong kasalanan. Sya itong aanga-anga magmaneho.
Bumukas naman ang pinto ng kotse at lumabas ang isang babae.
Lord
Magbibigay nalang kayo ng kaaway yung maganda pa, nakaka conscious tuloy magtaray.
"Stupid driver." inis na saad nung babaeng driver nitong kotse. Tinignan nya rin yung unahang bahagi ng kotse nya at kitang kita ko kung pano naningkit ang mga mata nya.
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.