Pumunta si Karina kaninang umaga sa bahay. Sobrang aga! hindi pa nga ako nakapag-mumog nun eh. Habang nagsasalita sya tinatakpan ko talagang mabuti bibig ko, jusko!Nag sorry sya at nangakong babawi raw sya.
Nako! Karina ayoko ng umasa.
Sinabi kong okay lang, di naman yun big deal. Medyo natataranta na ako kasi naman ayaw nyang lubayan mga mata ko kaya napaalis ko tuloy sya agad-agad.
Ngayon ay naka-upo kami dito sa bagong bukas na kainan dito sa centro. Biglang hilaan lang ang nangyari. Yung kasama kasing lalake ni Karina kagabi..biglang gusto raw kaming maka bonding.
Nakakayamot lang.
Masyado nya namang ginagawang walang kamay si Karina. Ano di kaya ni Karina maglagay ng pagkain sa plato nya? At ano yun? Taga hawi na rin sya ng buhok ni Karina?
"Wala naman kasing kaso sa akin. I'm doing it since we were young pa naman diba?"
"I know, but I'm old enough na Jeno. I don't need a bantay na."
"But Tito wants to make sure na you're okay here kaya nga he sent me."
Mas nakakawalang gana pinag-uusapan nila. Kung hindi nya ipagmamalaki sarili nya, ipagmamalaki nyang pinadala talaga sya ng tatay ni Karina para lang maging bodyguard nya. Para namang may gagawin o gagawa ng masama dito kay Karina.
"Si Tito ba talaga? Baka naman it's you na gusto to make sure Rina's not doing anything." pansin naman namin ang pagtingin ni Karina kay Lia. Yung Jeno naman parang wala lang yung maanghang tanong ni Lia sa kanya mas naging pa cool lalo.
"Winter ayaw mo ba ng food?" nasalubong naman ng mga mata ko ang kay Rina. Agad akong napa-iwas. Ewan, may something kasi sa mga tingin nya..di ko masabi kung ano.
"Bumubwelo lang ako." pagsisinungaling ko. Sa totoo lang itsura palang masasarap na ang pagkain pero parang wala akong gana. Pati yata sila Ryujin. Ang alam ko mga walang patawad to sa mga pagkain, pero himala tahimik yung tatlo tapos parang di nga ginagalaw pagkain nila.
Itinuon ko nalang atensyon ko sa may labas. Mula rito ay tanaw na tanaw mo ang mga taong nakatambay sa park na nasa harap nitong resto.
Ba't parang pamilyar yung isang grupo na nakatambay sa may music circle? Parang sila talaga yun..text ko nga.
Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap name nya sa kaonti kong contacts.
SeulBear ♥
Grupo mo ba yung nasa music circle ngayon? Sa park.
Nakita ko naman paglabas ng phone ng isang babae na nag-aayos kanina ng mic. Lumingon ito sa paligid at parang may hinahanap.
Sabi ko na nga ba sila yun eh.
"Uy! Ngiti-ngiti ka dyan? Si Yeji ba yang kausap mo?"
Umangat naman agad ang tingin ko sa nagsalitang si Ning. Nahahawaan na to ni Gi. Ayan lahat tuloy nakatingin na sa'kin.
"Hindi." tinaasan ako ng kilay ni bruha.
"Talaga? Eh, sino yan?" inirapan ko nalang si Ning at tinignan ulit cellphone ko.
Hinahanap nya ako. Inimbitahan pa nga ako na sumali kung nasa malapit lang daw ako. Di na ako tumanggi, tutal boring naman dito. Isasama ko nalang din sila Gi.
"May gagawin pa ba tayo pagtapos dito?"
"May gagawin ka ba Winter?"
"Wala naman Karina. May pupuntahan lang kasi ako." ba't parang ang pormal ng pagkakasabi ko?
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.