Departure

3.9K 143 17
                                    


Ayokong isipin.

Imposible lang kasi.

Gabi na rin ng umalis ng bahay sila Ning kahapon. Pagka-alis nila ay magdamag na akong binabagabag ng mga sinabi nila.

Erase!

Hindi ko muna dapat isipin ang bagay na yun. No! Ayoko talaga syang isipin!

May meeting kami ngayong araw sa centro. Inaantay ko nalang si Karina na kinuha lang yung sasakyan nya.

After ng meeting ay yung napag-usapan naming date at yung lugar na gusto kong ipakita sa kanya.

Excited na ako.

Sinilip ko yung bintana ng makarinig ako ng pagbusina.

Nasa baba na si Karina.

Mabilis na lumabas ako ng kwarto at nagpaalam kay Mama na busy sa kusina.

"Ingat kayo. Wag masyadong magpapagabi."

"Opo!" sagot ko sa pahabol na paalala ni Mama.

Kailan ba hindi naging maganda ang jowa ko?

Lakas lang ng dating na ngayon sa suot nya. Parang ang sarap jowain.

Ay, jowa ko na pala.

"Why are you so beautiful today? Pagtitinginan ka ng mga tao." nakanguso nyang sabi.

Ang cute!

"Ikaw nga dyan eh, lakas ng dating." pagbibiro ko.

Mas lalo naman syang napanguso.

Luh?

Anong mali sa sinabi ko?

"You didn't say I'm pretty, hindi ba ako maganda today?"

Hala grabe sya!

"Eh, maganda ka kaya araw-araw."

Natigil naman sya. Maya-maya pa ay nawala na yung pag-nguso nya.
Ngiti-ngiti na sya.

Acting nya lang yata yun para sabihin kong maganda sya.

Ngiti-ngiting hinawakan nya ang kamay ko. Binuksan nya yung pinto sa passenger seat.

"Let's go."

Ang bilis nun ah.

Napailing nalang ako. Hinalikan nya lang naman ako sa pisngi.

Nakatingin lang ako sa jowa ko habang ini-start nya yung kotse.

Imposible talaga Ning.



Selections of songs.

The venue.

The audience.

Ilan lang yan sa mga napag-usapan kanina sa meeting.

Kakanta pala kami sa welcome party na gagawin ng MLU para sa mga freshmen.

Parang launching na rin raw ang magaganap para saming mga new member.

Naglalakad na ako ngayon palabas nitong building. Bagong gawa lang ang studio na pinagmeetingan namin dito sa building ng Lopez. Naipundar raw ito ng banda.

"Winter!"

Nawala naman yung atensyon ko sa cellphone ko.

"Bilis mo namang maglakad." sabi nya ng makalapit sa'kin.

Nagmamadali kasi ako. Baka naiinip na si Karina.

"Nagmamadali lang." sabi ko.

Sinabayan nya na ako pababa ng building.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now