Ate beautiful

4.1K 183 110
                                    


Maaga palang ay namataan ko na ang isang di pamilyar na kotse sa harap ng bahay nila Gi. Sinilip-silip ko lang ito mula sa bintana.

Di ko fully hinawi yung kurtinang nakalagay sa may bintana ko kaya para akong engot na nakasilip lang sa maliit na awang nito.

Bumukas na ang gate nila Gi kaya mas naging alerto ako.

Nakita kong lumabas mula rito si Lia at parang may kausap. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang kasunod nyang lumabas mula sa gate si Karina at..Jeno?

Si Jeno ba naghatid sa kanya? Di ko makita sasakyan ni Karina.

Ngayong araw nga pala yung sabi ni Karina na babalik sya. Dapat nga raw ay kahapon pa kaya lang ay kailangan nya munang asikasuhin ang pamilya nya.

Naexcite raw kasi syang umuwi. Nung last call kasi namin nai-kwento ko yung tungkol nga sa interview ko. Agad agad syang nag volunteer na sya raw ang maghahatid sa'kin. Di na ako nakatanggi kasi naman..sayang din. Libreng sakay eh.

Pansin kong parang may pinagtatalunan sila base sa pag-ikot ng mga mata ni Lia.

Ano kayang pinag-uusapan nila? At ganyan nalang bigla si Lia? Alas otso palang ng umaga.

Mukhang nagpapa-alam na yung Jeno. Si ate Lia nyo parang badtrip na badtrip. Ano kayang ginawa nung Jeno?

Nakita ko pang parang si Karina at Lia naman yung nagtatalo. Kinabahan ako ng bongga ng sandaling mapatingin si Karina dito sa aking bintana. Mabuti nalang talaga at hindi ko hinawi ng bongga itong kurtina.

Kailangan ko ng maligo!


Tinatamad akong lumabas ng bahay. Tamang nuod lang ako ngayon nitong paboritong k-drama ni Mama. Save the last dance for me, yan yata title nitong drama. Ilang beses ko na yatang nakita si Mama na ito lagi pinapanuod. Ngayon ko lang nagawang sumabay sa mga hilig nya.

Sinipat ko ng tingin si Mama. Feel na feel na naman nya yung drama. Nasa part na kasi kami na nakalimutan na nung lalake yung bidang babae. Sabi ko kay mama ba't ito paborito nya eh parang ang gulo ng story. Kinwento kasi ni Mama, kasi tanong ng tanong ako kasi di ko knows yung story. Sabi nya yung lalake raw nagka amnesia tapos yung bidang babae ang kumupkop dito. Nagmahalan silang dalawa. Tapos ngayon naalala na ni bidang lalake yung dati nyang life, nakalimutan nya naman yung current life nya, lalo na yung bidang girl. Ang gulo lang tapos ang lungkot.

"Ma mag cartoons nalang tayo." Sabi ko.

Di ko kasi talaga feel manuod ng drama ngayon.

Grabe parang ang boring pala kapag di ko nakakasama yung mga bruha.

"Punta ka kila Giselle doon ka manuod."

Padabog na tumayo nalang ako at naglakad papuntang kwarto.

Ang damot talaga ni Mama sa TV kapag nagsimula syang manuod ng mga drama. Anong silbi nung cignal namin kung di naman nagagamit? Parang gusto ko tuloy sirain yung dvd namin. Hmp!

Ano ba magandang gawin?

Sandaling sinilip ko sa bintana bahay nila Gi.

Nakapagtataka lang na hindi nagpaparamdam sa'kin ni isa sa kanila. Usually maaga palang niyaya na ako ni Gi o kaya naman pinupuntahan dito sa bahay.

Si Karina..

Baka pagod lang sya.

Napasilip ulit ako sa bintana ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan.

Ito yung laging gamit na sasakyan ni Karina.

Nakahinto ito sa harap ng bahay nila Gi. Natigil sandali yung ilang nakatamabay malapit dito. Tulad ko ay nag-aabang rin sa kung sino man ang ba-baba mula rito.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now