"Magsasalita na ako agad-agad kasi kahapon pa talaga ako kating-kati ilabas to."
Kakapasok palang nga namin sa kwarto atat agad itong si Ning simulan yung serious talk agenda nya.
Napa oo nalang kami kasi mukhang sasabog na rin anytime yung bibig ni Ning kapag pinigilan pa namin sya.
Tumaas ang isang kilay nya at hinarap ako.
"Anong nangyari sainyo ni Karina kagabi?" pagiintriga nya.
Nanlaki naman agad ang mga mata ko at napatingin sandali kay Karina na isinama rin ni Ningning dito. Sya raw ang main agenda ng talk na to. Di na kami naka-angal pa ng hilahin nya ito.
Nakita nya ba kami kagabi?
"Oo gurl, I caught you in 4k kagabi." sabi nya na parang nabasa kung ano mang iniisip ko.
"She just help me Ning kagabi." si Karina yung sumagot.
Napunta naman sa kanya ang atensyon ni Ning.
"K fine. Wag muna nating alamin ang nangyari kagabi. Later na," bigla namang nagbago yung tingin nya kay Karina kaya napalunok ito bigla.
"Anong rason at bumalik ka ulit dito? Bakit ka nga ba umalis ng walang paalam?" sunod sunod nyang tanong dito.
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Karina. Para syang takot na takot kay Ning na talagang mas lumapit pa sa harapan nya.
"I-i.."
Naningkit ang mga mata ni Ning na nag-aabang sa kung ano mang sasabihin nya.
Deep inside naka-abang lang din ako. Kahit na narinig ko na yung dahilan nya noong nalasing sya, I still want to hear it from her, again. Yung hindi sya lasing.
No,no,no!
Gusto ko lang syang marinig, nothing more, nothing less. I swear wala na talaga akong pake. I just want to hear it for formality.
"I-i.."
Napasabunot na ng buhok si Ning at frustrated na tinignan si Karina na hindi matapos tapos sa sasabihin nya.
Si Ryujin naman sinasakal na yata si Karina sa isip nya.
"Bestie--este Karina kapag di mo pa itutuloy yang sasabihin mo hihilahin ko yang maganda mong buhok, ano bang shampoo gamit m--Aray!"
Hinampas na sya ni Ryujin dahil kung ano-ano na pinagsasabi.
Huminga naman ng malalim si Karina.
"I--"
"Nagkasakit ang Mama nya kaya sya umalis."
Sabay sabay naman kaming napalingon kay Gi na ngayon lang nag-salita.
Kumunot ang noo ko.
"Actually simula palang alam ko na ang dahilan kung bakit sya umalis at kung nasaan sya. I'm sorry." Nakayukong nagpatuloy pa sya.
Wow.
Para akong sinaksak sa likod.
"A-alam mo n-noon pa?" paninigurado ko.
Maybe I heard it wrong.
Umangat ang tingin nya at diretsong tinignan ako sa mata.
"I'm sorry Winter. I shoul--"
"Ba't wala kang sinabi?!" napalakas na ang boses ko.
"Pabalik-balik ako sayo nun Giselle! Paulit-ulit akong nagtanong! W-why?" nanginginig na ako.
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.