Wag na kayong magtaka, kapag maganda may moment talaga.Lately ang dami kong napapansin ha, ganito ba talaga kapag maganda?
Ewan ko kung ako lang ang nakaka-feel..no, parang feel na rin nitong mga kasama ko, yung si taglamig nalang ang hindi. Malamig nga eh.
Noong una parang di pa naman kailangan bigyan ng ganuong atensyon yung mga ginagawa ni pinsan, like yeah we get it..cute naman talaga ang aming friend, parang bata kaya no wonder kung bakit ganuon pakikitungo nya kay friend. Kitang-kita ko yung adoration nya towards Winter ever since nakita nya to mula sa bintana ng kwarto ko. Ganuon rin naman kasi kami the first time we saw Winter. Sino ba naman hindi matutuwa sa bata? Cute na bata? HAHAHAHA.
Pero ito nga, lately parang iba na. Parang may something na. Ewan ko kung napapansin ba to ni Rina sa sarili nya. I don't get it kung paano ako nakakatiis sa mga kwento nya everyday about Winter. Si Winter is ganito, si Winter ay ganyan..chuchu.. Nakakasuka rin pala makarinig everyday about Winter.
The way she stared at Winter, kung paano sya ngumingiti kapag andyan si Winter, yung mga big time gestures and words nya towards Winter..ibang-iba gurl!
Like ngayon, nag-aayos lang naman si Winter ng mic pero kung makatingin itong si Rina akala mo naka achieve ng golden buzzer itong si Winter. Tuwang tuwa agad si pinsan, pano pa kaya kapag kumanta na itong si Winter?
"Winter okay na yung mic." sabi ni Ryujin na kakatapos lang yata magkabit ng mga kung ano-ano dito sa session hall together with Lia.
Isa pa yang dalawa sa napapansin ko. Kelan pa naging close?
Ngayon na magp-practice itong si Winter. Thank you talaga kay Rina at mukhang natauhan na itong si Winter. Jusko stress na stress kami mula sa nakita at nalaman namin simula noong nag gala kami papuntang paradise. Di pa namin nasasabi kay Winter at di namin alam kung dapat ba naming sabihin. Parang di nga paradise napuntahan namin dahil sa mga ganap. Anyways..kakanta na nga si friend.
"Wala ka pa namang napiling kakantahin diba? Kantahin mo lang mga alam mong kanta tapos tsaka tayo magdecide ng magandang song na kakantahin mo sa stage."
"Don't mind me girls, I just need to clap my hands. Yun na kasi yata pinaka matinong bagay na narinig ko kay Ning." pagpapaliwanag ko. Gulat kasi sila ng pumapalakpak ako.
Nagtawanan naman sila samantalang binato ako ng karton ni Ning tapos umirap pa. Nagmamaganda ang bruha.
"Ano bang kanta meron kayo dyan?" tanong ni Win sabay lapit sa kay Ning na busy na ulit.
Parang ipinakita ni Ning yung mga kantang pwede nilang i-play ngayon. Gumawa yata sila ni Ryujin ng ilang instrumentals kagabi para lang sa practice ni Win.
Bumalik na si Win sa harap ng mic. Maya maya pa ay nagsimula ng umingay ang session hall. Familiar agad yung intro ng kanta.
Hmm..unang kanta palang tapos yan agad?
May something.
Sinipat ko ng tingin si Rina.
"Baka naman matunaw." takang napatingin ito sa'kin.
"What?" nako pinsan.
"Si Winter, nag-aalala ako baka matunaw." I said grinning.
All my life I've seen myself through your eyes
Wonderin' if I'm good enough for your time
You loved me for all the wrong reasons
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.