Karina

5.2K 179 86
                                    

I honestly want to punch myself that time.

How could I not recognize her!?

Tinawag ko pa syang stupid.

First impressions count, Karina.

Di sya nagbago. Sya parin yung cute na Winter nakilala ko 10 years ago.

Bakasyon kami that time sa Philippines at naisipan ni Mommy na dalhin kami sa probinsya, kila Tita. That time I didn't like the idea. Lagi kasing sinasabi ni Dad na Tita's place was so panget. Too much noise, too much annoying people and a very unhealthy environment.

So I was sulking that time, ayoko talaga sumama but ate persuade me.

Ng makarating kami ay napansin ko nga na totoo ang sinasabi ni Dad. People here are so annoying. Bakit kailangan nilang magkumpulan sa aming sasakyan, we're not even a celebrity. Tapos sobrang ingay nila.

Mom introduce us kay Giselle. She's kind of mataray but for some reason we clicked.

Dinala nya ako sa kwarto nya and her window got my attention. I wish I have that kind of window rin sa aking room. Napatingin ako sa bintana at mula rito ay tanaw na tanaw mo ang mga nangyayari sa baba at sa paligid. At first I was so pleased but the noises are so annoying. I heard someone shouting malapit sa bahay nila Tita.

A group of kids fighting. It caught my attention, especially her. She's so cute with her bunny ponytail at jumper. She's so small..tiny. Kaaway nya yata yung tatlong lalake at isang babae. They're mocking her pero parang wala lang sa kanya. Yung isang bata pa nga ay tinutulak-tulak sya..siguro ay di na sya nakatiis, sinigawan nya yung apat. She's too cute para magalit. Pinakitaan sya ng kamao nung isang bata but she didn't budge..ni hindi man lang sya napapikit. Nag-enjoy yata ako masyado sa panunuod dahil di ko namalayan na Giselle was near na pala sa'kin.

Sumilip rin sya sa bintana at agad na napailing "Si Winter talaga, may kaaway na naman."

So her name is Winter. I think bagay na bagay ang name nya sa kanya.

The next day I saw her again. Naglalaro sila sa baba ng may batang lalake ang bigla nalang nanggulo at nang-away sa isa nilang kalaro.

"Hoy! Felix, inaano ka ba ni Jake!? Ba't mo sya binangga!?" even her voice is so cute.

"Inagaw nya yung lollipop ring na bibilhin ko dapat!" sigaw sa kanya nung Felix.

"A-ako ang naunang makapunta sa tindahan Felix." sabi nung lalakeng binangga nung Felix.

"Nauna naman pala sya sayo Felix. Palibhasa bagal bagal mo tapos sisihin mo pa si Jake. Alis ka na nga!"

Nagsimula ng magalit yung Felix, tuluyan ng nag-away yung dalawang batang lalake. Kahit na mas malaki sa kanya yung Felix, di sya nagpatalo. Pinagtanggol nya talaga yung isa nyang kaibigan.

She's really brave.

Tulad noong una ko syang makita..bigla nalang ulit sumulpot si Giselle sa tabi ko.

Napailing na naman ito habang tinitignan ang nangyayari sa baba.

"Si Winter talaga ang hilig sa away."

After that parang naging habit ko na sya. Dumudungaw ako lagi sa bintana ni Gi para makita yung batang si Winter.

I was expecting another fight that day. Akala ko kasi baka mapa-away na naman sya sa baba but no..di ko sya nakita mula sa grupo ng mga batang naglalaro sa baba kundi sa bintanang nakabukas sa harap ng bahay nila Gi. Nakadungaw lang din sya tulad ko at malungkot na tinitignan ang mga batang masayang naglalaro sa kalsada.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now