Jowa

4.2K 171 116
                                    


They tell me, think with my head

Not the thing inside my chest

They got their hands in my neck

This time

But you're the one that I want

If that really so wrong

Then they don't know what this feeling is like

And I say---

"Juskong bata ka! Aga aga ang lakas lakas mong magpatugtog!"

Natigil naman page-emote ko ng biglang pumasok ng kwarto si Mama at pinagsisigawan ako. Talagang hinablot pa nya ng bongga yung nakasaksak na speaker.

Parang di ako nakatulog. Magdamag ko kasing inisip yung nangyari kagabi.

Wala sa wisyong napahawak ulit ako sa labi ko.

"Bumangon ka na dyan at nasa sala si Karina inaantay ka!"

Muntik na akong masubsob sa sahig. Nagulat kasi ako sa sigaw at sinabi ni Mama kaya napagulong ako bigla sa gilid ng kama. Buti nalang at di ako tuluyang nahulog at sumobsob sa sahig.

Si Karina raw nandito sa bahay.

Natataranta na naman ako. Anong gagawin ko? Lalabas ba ako?

Baka mas mabuting dito nalang ako sa loob? Sabihin ko nalang na may nakakahawa akong sakit at bawal nya akong makita.

"Hoy! Si Karina lang yung bisita mo hindi police."

Sinimangutan ko naman si Mama.

Mas gugustuhin ko pang police nalang ma.

Nahihiya talaga akong harapin si Karina.

Ano ba kasing sumapi sa'kin at pinagsasabi ko ang bagay na yun?! Jusko nakakahiya ka self.

"Ma kausapin nyo muna si Karina.. entertain nyo ganun, di pa kasi ako nakaka pag-ayos M-ma." Tumaas ang isang kilay ni Mama.

"May lakad ba kayo?"

"W-wala n-naman Ma." Nauutal kong sagot.

Seryosong nakatitig na sa'kin si Mama. Napaiwas ako ng tingin.

"Oh, sya sige, basta bilisan mo."

___________

Kulang pa yata yung pagre-reflect na ginawa ko kagabi bago matulog.

Magkaharap kami ngayon nila Mama dito sa mesa. Wala ng nagawa si Karina ng magpumilit si Mama na dito na sya magtanghalian.

Chika ng chika si Mama sa kanya. Magiliw nya namang sinasagot lagi si Mama kaya nawili na ng sobra si Mama kaka kwento at tanong.

Ako naman ay todo iwas parin ng direktang tingin sa kanya. Nakatatak parin talaga sa utak ko yung nangyari kagabi. Sariwang-sariwa pa.

"Actually, kaya po ako nandito," inabot nya muna yung basong may lamang tubig at ganun nalang paglaki ng mata ko ng inumin nya ang laman nito in one shot.

Nauuhaw ba sya ng sobra?

"I'm here to tell you po na.." kinakabahan naman ako dito kay Karina.

Kitang kita ko naman ang kinakabahang paglunok nya at ang namamawis nyang noo.

Tinikman ko yung linuto ni Mama na caldereta.

Jusko kaya pala namamawis itong si Karina.

Sobrang anghang naman kasi nitong niluto ni Mama na caldereta.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now