Label

4.2K 162 83
                                    


Magkasunod na araw ng ginagabi akong umu-uwi. Pakiramdam ko bibinggo na ako kay Mama. Di nya naman ako pinapagalitan, pero alam nyo yun? Yung tinitignan ka ng Mama mo gamit yung mga naniningkit nyang mga mata. Wala pang sinasabi si Mama pero parang alam ko ng di na sya natutuwa.

Panay kasi labas namin ni Karina nitong mga nakaraang araw. Lagi nya akong dinadala sa centro. Minsan para kumain sa mamahaling resto o kaya naman ay mamasyal lang sa mga di ko talaga afford na lugar.

At aaminin ko. Masayang masaya ako. Kinikilig ako.

Mama!

Ngayong araw pass muna ako. Balak kong tumulong kay Mama all day. Bukas na kasi yung interview ko sa radio station at siguradong gagabihin na naman ako kasi..jusko!

Niyaya na naman ako ni Karina mag date.

Waaaaah!

"Oh, anong kasalanan nyang mga nilabhan ko sayo?"

Inayos ko naman yung mga tinutupi kong damit na nagulo ko ng konti.

"Ba't parang ang sipag mo yata ngayon?" tanong ni Mama.

"Lagi naman akong masipag ma."

"Kailan ka pa natutong magsinungaling?"

Naka pout na tinignan ko naman si Mama na busy sa ginagawa nyang turon. Pang meryenda raw namin.

"Grabe ka sa'kin ma!"

Binigyan lang naman ako ng tingin ni Mama. "Ikaw Winter ha, parang may hindi ka sinasabi sa'kin."

Napalunok naman ako.

Ibinalik ko nalang ulit tingin ko sa mga kumpol ng damit na nasa harap ko.

"Ano namang di ko sasabihin sayo Ma?" maang-maangan ko.

Narinig ko naman ang malakas na buntong hininga ni Mama.

"Ba't ako tinatanong mo nyan? Nga pala," pumunta si Mama sa pwesto ko at inilapag yung bagong lutong turon sa tabi ko.

"Parang madalas mas kasama mo yung Karina, nag-away ba kayo ni Giselle?"

"Hindi Ma." mabilis kong tanggi.

"Hindi kami magka-away ni Giselle Ma. A-ano, busy kasi sya kaya si Karina lagi ko nakakasama." pagpapaliwanag ko.

Marahang napatango naman si Mama. Parang di pa convince sa sagot ko.

"Ganun ba? Akala ko may something na eh." napatingin naman ako kay Mama.

"Anong something Ma?" tinignan lang nya ako tapos naglakad ulit sya pablik dun sa mga gagawin nya pang turon.

"Ma?!" ano bang something itong ibig sabihin ni Mama?

Bothered ako ng konti ha.

"Kumain ka nalang dyan Winter."

Ma naman eh!

----

"Baks bored kasi ako."

Malapit ko ng ihagis itong si Ning palabas ng bahay.

Niyugyog nya na naman ulit katawan ko "Bilis na baks kwento ka na!"

Talagang sinugod nya ako dito sa bahay para lang guluhin.

"Wala naman akong kwento Ning." sabi ko habang pilit na inaalis pagka-kapit nya sa braso ko.

"Meron kaya! Yung sainyo ni Karina."

Mabilis ko naman syang hinampas. Lakas talaga ng bonganga ng babaeng to.

"Ano ka ba?! Baka marinig ka ni Mama."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now