Tahimik lang kaming naglalakad pabalik ng second section. Nag decide kaming wag munang bumili ng kahit ano sa souvenir shop mas okay raw kasi if kasama namin sila Gi bumili.
Bago kami lumabas ng first section inirapan ko talaga si kuyang bantay ng bongga..jirits parin ako sa kanya.
Lihim kong pinagmamasdan si Karina. Grabe lang..ano kayang feeling na maging ganyan kaganda? Sobrang aliwalas ng mukha nya. Sa tuwing hinahawi nya ang ilang hibla ng buhok na napupunta sa mukha nya kailangan kong pigilan ang sarili kong di mapatili..sobrang ganda nya kasi. Fan na yata ako ni Karina.
Lumingon sya, shet!
"You're doing it again.."
"A-ang alin?" painosente kong tanong.
Narinig ko naman ang mahina nyang tawa.
"WINTEEER!"
Nakakahiya talaga itong si Ning. Sumisigaw ang bruha habang patakbong lumapit samin.
"Tara na sa dagat!" di man lang ako hinayaang makasagot ng gaga. Agad akong hinila ni Ning papuntang dagat.
Amfuta lang
Ang lakas ng alon juskoo para akong tinadyakan ng dagat ng itulak ako ni Ning at Ryujin. Hinampas ako ng alon, lechugas.
Tawang tawa yung dalawa ng makabalik ako sa kanila.
"Peste kayo! Naka-inom yata ako."
"Ang lakas kasing manulak ni Ryujin..ako rin kanina muntik ng lamunin ng dagat dahil sa pagtulak ni bruha." sabi ni Ning sabay hampas pa sa natatawa paring si Ryujin.
Naglakad kami papunta dun sa tatlong nakatingin lang samin. Mukhang kakatapos lang din ni Gi at Lia umahon sa dagat.
"Si Karina nalang di nababasa sating anim." bulong ni Ryujin
"So, anong balak mong gawin?" nakisabay narin si Ning sa pagbulong malapit na rin kasi kami sa pwesto nung tatlo.
"Di naman sya siguro magagalit kapag hinagis natin sya diba?" loko talaga tong si Ryujin. Pero napa-isip rin ako sa pagtapon kay Karina sa dagat. Ano kayang magiging reaksyon nya?
"Winter ikaw humawak kay Karina." mabilis naman akong napatingin kay Ning.
"Ba't ako?"
"Basta ikaw na."
"Luh, ayoko nga!"
"Bilis na! Oh ikaw ulit itatapon namin?" aba! Nanakot pa ang bruha.
"Si Lia? Naitapon nyo na ba?"
"Kanina pa, binuhat nyang si Ryujin tapos inihagis sa dagat. Walang awa yang gaga." natawa naman ako sa sinabi ni Ning. Na-imagine ko pagsigaw ni Lia habang binubuhat sya ni Ryu.
"Ano na!?"
Parang may sariling buhay yata itong mga paa at kamay ko. Biglang nasa harap nalang ako ni Karina at hawak ko na ang mga kamay nya.
"You're planning to throw me rin sa dagat?" nakataas ang isang kilay nya.
"Ah..hehehe..s-sorry, wrong kamay." kinakabahan kong sagot habang binibitawan yung kamay nya "S-si Gi p-pala dapat."
"Winter!" dahil sa hiya ay agad kung nahila si Gi papuntang dagat.
"Wait!!"
Sabay ng nilamon ng malakas na alon si Gi at Karina.
Hinila rin pala ng dalawa si Karina.
Natatawang tinignan namin yung dalawang umaahon. Si Gi inuubo pa, naka-inom rin yata. Si Karina inaayos yung buhok nya.

YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.