"Bagal bagal mo naman Winter."
Tinignan ko ng masama si Ryujin.
"Si Karina nga oh, walang arte tapos bilis pa kumilos." dagdag nya pa habang tinuturo si Karina na naglalakad di kalayuan samin bitbit yung mga bags.
Mga bags ng mga bruhang kasama namin.
Dapat talaga naging selfish nalang ako.
Mga walang hiya ang mga bruha ginawa ba namang taga bitbit ng gamit nila si Karina!
Ako lang naman kasi yung tinanong ni Karina tapos bigla nalang nagsi-epal ang mga bruha.
Ganda ganda ng jowa ko tapos pagdadalhin lang nila ng mga gamit nila!
Tapos si Karina naman hindi tinanggihan yung sinabi ng mga bruha.
Binilisan ko ang paglalakad at sinadya ko talagang bungguin si Ryujin.
"Hoy! Winter, loko ka ah!"
Nagsisi-sigaw pa sya ng kung ano-ano pero di ko na sya inintindi.
Ng makalapit ako kay Karina ay kaagad kong inagaw yung mga dala ng kanang kamay nya.
Nagulat pa sya nung una tapos kaagad ring nag-reklamo.
"Ako na sabi." sabi ko.
"But that's heavy." ani nya.
"Kaya nga, mabigat sya. Ako na magdadala. Ikaw kasi nagpapa-abuso ka sa mga yun." inis na sabi ko.
Mahinang tumawa naman sya.
"Maliit na bagay lang naman." sabi nya.
Nasa tapat palang kami ng entrance ng lobby nakuha na namin agad ang atensyon ng lahat.
Iba talaga pag magaganda.
"Ang hirap talagang maging maganda." sabi ni Gi sabay angat nung sunglasses nya.
"Oo nga, buti nalang di mo na-experience." pambabasag ni Ning kay Gi.
At nagsabunutan na po sila.
The end.
Charot!
Nagbangayan na silang dalawa.
Sinabihan ko nalang si Karina na wag intindihin yung mga loka at dumiretso nalang kami sa receptionist para itanong yung about sa room reservation na kinuha ni Karina.
Nasa King Castle lang naman kami.
Iba pala talaga pag may jowang mayaman.
Walang hassle when it comes to things like this. Alam mo yun, isang tawag nya lang okay na lahat.
"Ako nalang kakausap babe, stay here nalang."
Tumango nalang ako sa kanya at inabot yung mga gamit para ilapag muna.
Pinagmamasdan ko lang ang paglapit ni Karina sa receptionist nitong resort.
Todo ngiti naman si ate kay Karina at kaagad na kinausap ito.
Pansin kong nakatingin yung ilang lalake at kasabay ni Karina sa kanya.
Napasimangot nalang ako.
May kung anong pina-pirmahan si ate kay Karina tapos parang inabot na nito yung mga susi kay Karina.
Nakangiting naglakad pabalik sa'kin si Karina.
"Let's go babe." aabutin nya na sana yung mga gamit ulit ng pigilan ko sya.
"Sandali lang babe." kumunot ang noo nya sa sinabi ko.
Patakbong lumabas ako ng lobby.
Nakita kong papasok palang ang mga bruha.
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.