Close

3.6K 121 25
                                    


Maaga akong nagising for what?

Ewan ko ba sa katawan ko. May sarili atang buhay. Namalayan ko nalang ang sarili kong maghanda ng breakfast.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa mga ginagawa ko.

Bakit ako ganito?!

Bakit?!

Napagdiskitahan na ng inis ko itong pancake na nasa plate ko.

9 am na pero di pa rin sya lumalabas ng kwarto. Kailan nya ba balak magising? May lakad pa ako.

Uulan ba? Wag naman sana. Kanina pa lakas ng hangin.

Kung tutuusin dapat wala akong pake at dapat ay iwan ko nalang sya dito. Pero ewan ko ba naman sa sarili ko at di ko man lang magawang iwan sya dito mag-isa.

Sana ganun rin sya noon diba? Di basta-bastang nang-iiwan.

Tatayo na sana ako ng makita ko syang maingat na palabas ng kwarto.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa ginagawa nya.

As in ingat na ingat sya sa paglalakad palapit sa hagdan.

I fake a cough.

Mabilis syang naestatwa sa kinatatayuan nya at marahang lumingon kung nasaan ako.

"That old habit of yours is still there.
Aalis ng walang paalam." i don't know kung bakit parang normal lang na lumabas ang coldness na to mula sa'kin.

Napalunok naman sya at di ako matignan.

"Kumain ka muna." alok ko.

Di parin sya makatingin sa'kin at parang ewan lang na nakatayo malapit sa hagdan.

"Balak mo bang maging guard ng hagdan namin? Umupo ka na." utos ko. Nag-aalangan man ay sumunod parin naman sya.

Parang batang naupo sya sa harap ko at tinitignan lang yung pancakes sa plato nya.

"Mabubusog ka nyan, kakatitig?" masungit na sabi ko.

Mukhang natauhan naman sya at nagsimula ng galawin yung pagkain sa harap nya.

Malapit na akong matapos ng bigla nalang syang magsalita.

"Winter about what happ--"

"Don't bother. Wala naman na akong pake sa explanation mo. Di ko na need." i cut her off.

"It's been years kailangan nating umusad. Don't concern yourself anymore sa bagay na wala na rin naman akong pake."

"I was just going to s-say na about sa nangyari kabagi.."

Napakurap-kurap naman ako sa naging sagot nya.

Kakahiya self.

Alanganing napatawa ako.

"But.. because you said it na naman. I understand if you don't want to hear anything from me pa,"

Natahimik ako bigla sa tono ng pananalita nya.

"I deserve it naman. But I will not stop saying sorry..for everything."

Napaiwas agad ako ng tingin ng tignan nya ako sa mata.

"I won't stop begging for forgiveness. Kahit yun nalang."

Hindi na ako nakapagsalita matapos nyang sabihin yun.

Balak ko na nga sanang tumahimik nalang habang kumakain, kaso curious talaga ako.

Tumikhim muna ako.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now