Awareness

5.1K 190 49
                                    

3 days  nalang at magp-perform na ako.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. So far kasi, naks nahahawa na ako kay Karina. Lagi ko kasi syang nakakasama at nakaka-usap nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba pero parang bigla nalang mas naging malapit kami sa isat-isa. Di ko alam kong dapat ko ba yung ikatuwa o ikatakot.

Nakapili na rin ako ng kakantahin ko. Pang duet dapat sya pero nagawan naman ni Ryujin ng paraan. Natapos na namin yung instrumentals kahapon.

Kasalukuyan kaming naka-upo malapit sa podium. Malapit ng mag alas tres pero parang wala na kaming magawa.

"Punta nalang kaya tayong plaza?" alok ni Ryujin.

"Ano namang gagawin dun?"

"Wala pa ba yung mini peryahan na nilalagay lagi ni Cap?"

"Ewan."

Oo nga pala. Tuwing pista rito ay naglalagay si Cap ng mini peryahan. Dalawang game lang lagi nilalagay nya, color game at manok manokan tapos swerte ng maituturing kung may isang rides na isinasama. Last year dapat ay may Ferris wheel kaso di pinayagan ng ibang taga baranggay hall, ang kj lang. Pero okay lang rin naman kasi yung Ferris wheel naman na inilalagay parang isang andar lang bibigay na.

"Tignan natin! Gusto kong maglaro ng color game." sabi ko. Naalala kong may dala akong mga barya, baka dumami rin yun.

"Sugarol ka talagang bata ka." inirapan ko naman si Ning.

"Paalala ko lang ha? Yung nagwala last year kasi minalas sa color game."

Aba't hinampas ako.

O sige, away tayo dito Ning.

"What's peryahan pala?"

Bigla naman kaming napahinto sa pagsasapakan ni Ning. Sabay-sabay pa talaga kaming napatingin kay Lia.

Kawawang nilalang.

"Di mo alam ang perya? Sigurado ka?" di makapaniwalang tanong ni Ryujin.

Umiling naman si Lia "I grew up in America at everytime na pumupunta kaming Phil mostly nasa malls lang kami or beach. Never akong nakakagala kaya wala akong masyadong alam pagdating sa mga bagay."

Nalungkot naman kami sa sagot nya. Parang ang boring lang, tsaka nakakapang hinayang na nagbabakasyon ka nga, nagalalabas ng malaking pera pero di mo man lang nai-enjoy ang pinuluntahan mo.

"Ikaw Karina? Ganun ka rin ba?" curios kong tanong.

Tumango naman sya.

Ano ba yan.

Ang hirap rin palang maging mayaman minsan.

"Okay! Dahil di pa nila nai-experience ang peryahan..dadalhin natin sila sa peryahan!"

Natawa naman kami ng excited na tumayo sina Lia at Karina ng sabihin iyon ni Ryujin.

Napangiti naman ako.

Ang cute lang kasi ni Karina. Para syang batang bingyan ng paborito nyang kendi.

Nagsitayuan na rin kami at naglakad na palapit sa tatlong excited na excited makapunta agad ng plaza. Magalalakad na sana ako palapit sa tabi ni Karina ng bigla nalang akong hinila..ni Giselle.

Ano na naman kailangan nito?

Seryoso itong nakatingin sa akin.

"Winter, umamin ka nga..anong ganap sa inyo ni Rina?" napalingon naman ako kung nasaan ang iba. Buti nalang at malayo sila ng konti samin.

"Gi, ayan ka na naman sa pagka-issuewer mo." akmang maglalakad na sana ulit ako ng hilahin nya na naman ako pabalik sa harap nya.

"Hoy, hindi lang to basta basta issue, facts to Winter. Pansin ko lately parang iba na eh..may something na."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now