"Sa Mahal naming mga residente ng baranggay Maligaya, wag po sana nating kakalimutan na sumali sa mga gaganaping mga program sa pistang darating saating baranggay!"
Umagang-umaga yan agad ang gumising samin. Kanina pa umiikot yang jeep ng baranggay hall dito sa buong maligaya. 2 weeks nalang kasi ay pista na kaya todo effort sila.
Noong sinilip ko ito mula sa bintana ay nakita kong mga SK pala ang nakasakay sa jeep. Agad rin naman akong nagtago ng makita ko ang bruhildang si Bernadette na patingin-tingin dito sa bahay. Ayaw talaga akong tigilan ng bruha. Ib-block ko na talaga sya.
Bukas na pala lakad namin papuntang Paradise beach resort. Yung sikat na beach resort dito sa syudad namin. Maganda naman doon, ilang beses na akong nakapunta sa resort na yun ito lang yata yung first time kung pumunta na di family ang kasama. Si Ryujin first time nya lang talaga, kasi naman di mahilig ang babaeng yun gumala. Kapag may gala kami nila Gi naku, minsan lang yan mapilit.
Nag-usap usap na kami kanina sa gc. Busy na ang mga bruha sa mga dadalhin nilang damit.
Di ko muna a-awrahan ng bongga yung swimming namin sa paradise sabi ko sa kanila. Naka reserve kasi sya for King Castle. Tinawanan lang ako ng pakak na Gi, as if naman raw marunong akong umawra. Tanda nya pa raw noon lagi lang akong naka rushguard tuwing may swimming chuchu section namin.
Hmph!
Makikita mo Gi, tatalbugan talaga kita.
"Winter! Winter Del Valle!"
Sino naman tong walang hiyang sumisigaw ng napaka ganda kong name?
Tumayo ako sa sumilip sa bintana.
Lechugas!
"Uy Winter!"
Bruha talaga itong si Bernadette. Nakuha pang kumaway ng gaga kala nya natutuwa ako sa ginagawa nya. Hampas ko kaya yang megaphone na hawak mo sa fes mo.
"Pinapasabi ni Kagawad na nakalista na pangalan mo sa kakanta sa last night ng pista--Ano!?"
Bwisit talagang bruha to! Talagang naka megaphone pa sya pano nya maririnig sinasabi ko.
Parang gusto kong maging kriminal. Sinong nagsabing ilista nila ako? At bakit kailangang ipagsigawan ng bruhang to sa buong baranggay.
"Kakanta ka nga sa last night ng pista. Naasikaso na ni kagawad mga kakailanganin mo. Yun lang."
Muntik ko ng ibato palabas ng bintana itong tsinelas ko.
Jirits ako sa Bernadette na to.
Matalim na sinundan ng mata ko yung jeep nila. Masiraan sana kayo, bwisit!
Isasara ko na sana yung bintana ko ng mahagip ng mata ko yung magpinsan at si Lia na nakatingin sa'kin.
Parang natatawa yung tatlo.
Yung tawa ni Gi yung napansin ko.
Bwisit to! Sya siguro naglista ng pangalan ko.
Humanda ka talaga sa'kin.
Inis na isinara ko ang aking bintana at agad na lumabas ng kwarto.
"Oh, san punta mo? Narinig ko anunsyo ng baranggay, kakanta ka pala?" tanong ni Mama na naka-upo sa harap ng TV namin.
Sandaling sinilip ko ang screen ng TV. Pinapanuod nya na naman yung mga movie ni Regine Velasquez.
"Ngayon ko lang nga nalaman Ma. Punta lang ho ako kila Giselle."
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfiction𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.