Giselle

3.6K 148 27
                                    


Kanina pa kami hindi mapakali dito sa bahay. Dumagdag pa sa kaba namin itong bagyo.

Signal number 3 sabi ni ndrrmc.

Alas otso na at palakas ng palakas lalo ang ulan. Yung bubong ng katabing bahay ni aleng Vivian kanina pa kumakalampang sa sobrang lakas ng hangin.

Napaka unexpected talaga na magkakaroon ng bagyo tapos ngayon pa yung landfall.

Kanina pa kami walang contact sa kanya. Kasabay kasi ng paglakas ng ulan ay ang pagkawala ng signal at kuryente.

Nakakainis.

"Kakalbuhin ko talaga ang batang yun!"

"Mare kumalma lang muna tayo."

Tinignan ko si tita na kanina pa hindi mapakali sa kina-uupuan nya.

Kanina pang 5 pumunta samin si tita asking kung may contact ba kami kay Winter. Nagpaalam raw kasi itong pupunta ng centro.

I got a text from her kanina. May ichi-chika raw sya samin. Nasabi ni tita na natanggap nga raw si Winter sa SM band. Wala namang duda na matatanggap sya. Siguradong ito yung balitang gusto nyang sabihin samin.

"Bwisit talagang signal to!"

Andito rin pala si Ningning. Kanina pa yan nagra-rant tungkol sa signal.

Tinignan ko si Rina.

Kanina pa sya walang imik.

Lahat naman kami nag-aalala na. Kung pwede lang ngang sumugod kaming lahat ngayon sa centro, gagawin talaga namin.

Sana lang ay di bumyahe ang bruhang yun pauwi. Masyado ng delikado ang daan. Mas gugustuhin ko pang magpalipas nalang sya ng bagyo sa kung saan kesa pilitin nyang maka-uwi.

Lumapit na ako kay Rina.

"Hey.." I said catching her attention.

Kitang kita ko sa mata nya ang sobrang pag-aalala.

"Winter is going to be fine." sabi ko.

Convincing myself too.

Sana nga okay lang sya. Mabilis pa namang lamigin ang babaeng yun.

"Anong balita?"

Agad naman kaming nagsilingunan sa kakarating lang na si Papa.

Basang-basa ang suot nyang kapote.

"May ilang poste ng kuryente ang natumba malapit rito kaya siguradong walang kuryente ang ating baranggay sa susunod na tatlong araw," Sabi nya habang tinatanggal yung suot nyang kapote.

"May komosyon raw kanina sa Perez. May nagbanggaang kotse at tricycle raw. Sabi ko nga kay kagawad na talagang accident prone area ang Perez kapag ganitong malakas ang ulan. Bukod sa kurbada ito ay madulas rin ang kalasadang iyon."

Agad akong nakaramdam ng matinding kaba.

"I'm going--" kaagad kong hinawakan si Rina.

"Masyadong delikado Rina."

Kung pati sya ay aalis mas lalo lang do-doble ang kaba namin.

"Baka mamaya ay bumalik na rin ang signal. We should wait." Sabi naman ni Lia.

Napahawak sya sa buhok nya. She look so frustrated.

Lumipat na muna kaming tatlo dito sa kwarto. Sila Mama at tita ay nag-uusap parin sa may sala.

All we need is confirmation from her. Kung okay lang ba sya o kung nasaan sya.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now