Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng station. Mabilis kong kinuha yung panyo ko sa bulsa ng pantalon ko. Ang lakas ng ac sa loob pero grabeng pawis nilalabas ng katawan ko everytime na may ibabatong tanong sa'kin.
Naitawid ko naman ng maayos yung interview kaya okay na rin. Tinignan ko yung oras sa screen ng cellphone ko. Pasado alas singko na. Mahihirapan ako nitong makasakay pauwi. Dapat dinala ko nalang talaga tricycle ko. Di ko kasi ini-expect na matatagalan ng bongga yung interview. Akala ko kasi mga simpleng tanungan lang magaganap. May nalalaman pa silang sample raw para sa mga listeners nila. Tapos kailangan ko pang intayin matapos program nila sa radyo, jusko.
Di ako prepared.
Nanghihinang tinahak ko na yung daan palabas nitong radio station. Hindi na natupad ni Karina yung sinabi nya. Kahapon pa sya di umuuwi. Walang text o tawag man lang. Baka nag enjoy sya sa usapan nila nung Jeno. Naghintay pa ako ng tatlong oras para sa wala.
Sinipa ko yung plastic bottle na nadaanan ko. Naiinis pa rin ako.
Sana di nalang sya nangako.
Lalakarin ko nalang papuntang sakayan. Di naman ito ganuon kalayo.
Nagsimula na akong maglakad. Pasimpleng tingin na rin ako sa mga shop na nadaraanan ko. Okay sanang mag window shopping kaso baka di ako maka-uwi.
Magtutuloy na sana ako ng may mahagip ang mata ko na isang pamilyar na pigura ng tao. Kinusot kusot ko pa ang mata ko para siguraduhing tama ang nakikita ko.
Sya nga.
Di ko gaanong makita ang mukha nya tanging mukha lang ng kasama nya ang malinaw kong nakikita mula sa kinatatayuan ko mula rito sa labas ng shop kung nasaan sila. Mukhang masaya sila. Lakas yata ng tawa nung Jeno.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad syang tinawagan.
Mabilis nyang sinagot ang tawag ko. Nakita ko syang umupo sa bench katabi ng mga sapatos. Nakaharap na sya sa pwesto kung nasaan ako.
"Winter.." bungad nya. Parang pagod na pagod sya.
Kinalma ko naman ang sarili ko.
"Kala ko nakalimutan mo na ako." Kitang kita ko naman ang pagkunot ng noo nya.
"Pano naman--I'm sorry." Bakas sa boses nya ang lungkot. "Sorry di kita naihatid. Gi told me na pumunta ka na raw ng station when I called kanina."
"Oo, naisip ko kasi baka busy ka kaya di ka makakarating." Hindi ko alam kong bakas rin ba sa boses ko ang inis at disappoinment na nararamdaman ko ngayon.
"Winter..galit ka ba?" Tumayo sya mula sa bench. Nakatalikod na sya mula sa'kin.
"Ba't naman ako magagalit? Okay lang yun Karina. Alam ko namang busy ka. Dapat nga ako humingi ng sorry kasi masyado kitang naabala."
"Winter. I told you diba, hindi ka abala sa akin." Mabilis nyang kontra sa sinabi ko.
"Nasaan ka pala ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan namin.
"N-nasa...bahay lang ako ni tito something came up kasi."
Naikuyom ko na ang aking palad. Mas humigpit rin ang hawak ko sa cellphone ko.
"Kasama mo si Jeno?"
"H-hindi. Ako lang mag-isa." Kasabay ng pagsagot nya ay ang paglapit rin sa kanya ni Jeno.
Bigla nalang tumingin sa labas ng shop si Jeno at saktong nagkatinginan pa kami.
Kitang kita ko ang pagturo nya sa kung nasaan ako kay Karina.
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
Fanfic𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.