"Winter kumalma ka lang pwede?"
"Kalmado naman ako Ryujin."
Napabuntong hininga naman sya sa sagot ko.
"Kung tumigil ka rin kaya kakalakad? May upuan Win, wag mong gawing trumpo yang sarili mo kakaikot dito." sa lahat ng kaibigan kong nandito masasabi kong si Ning ang pinka maingay.
"Darating si Rina kaya pwede ba? Kumalma ka na." at sa lahat ng nandito si Gi naman ang pinaka malisosyo.
"Kalmado nga ako, tsaka ano naman kinalaman ni Karina dito?"
"Malay namin sayo." napasimangot ako. Sabay-sabay pa talaga silang sumagot tapos todo tawa ang mga loka ng ma-realize nilang sabay sabay sila.
Wala akong mapapala sa mga to dito. Mabuti pang lumabas nalang ako.
"Winter!"
Patakbong pumunta sa'kin si Yeji.
"Diba last performer ka?" agad nyang tanong ng makalapit sya ng tuluyan sa'kin.
Nagsimula naman akong maglakad "Oo..nga pala ba't di kayo pumasok sa loob?" nakasunod lang naman sya sa'kin.
"Sila Yuna kasi nahatak nila Jihan. Alam mo naman pag nagsama-sama ang mga yun. San pala punta mo?"
"Maglalakad-lakad lang sana."
"Kinakabahan ka?" agad akong napailing sa tanong nya.
"Hindi naman sa kinakabahan..gusto ko lang talaga munang maglakad-lakad tsaka pahangin. Ang init dun sa loob eh." tumango naman sya at di na nagtanong pa.
Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng plaza. Malapit na kami sa labasan ng makita namin si Jake.
"Winter diba kakanta ka?" napatingin naman sya kay Yeji na nasa likuran ko "kasama mo pala si Yeji. San kayo pupunta?"
"Ba't mo tinatanong?" tinignan ko naman si Yeji. Nagmamaldita na naman to.
"Nagtatanong lang naman."
"Bawal kang magtanong." kinurot ko na si Yeji.
"Maglalakad-lakad lang Jake. Sige, labas muna kami." ngumiti nalang samin si Jake.
Hinatak ko naman si Yeji kasi parang ibabaon nya na si Jake sa plaza ng buhay. Noon pa naman eh naiinis na itong si Yeji kay Jake sa di ko malamang dahilan.
"Yeji, ba't naman ang sungit mo kay Jake?" pagtatanong ko habang hinahatak pa rin sya.
"Eh ikaw ba't hindi? Okay na agad sayo ang lahat?" binitiwan ko naman ang kamay nya at hinarap sya.
"Di naman sa ganun..ayoko lang ulit na alalahanin pa ang mga nangyari noon."
"Okay. Basta ayoko pa rin sa kanya." natawa naman ako sa kanya.
"Ba't natatawa ka dyan?"
"Ikaw kasi tinatalo mo na naman cuteness ko." pabirong umirap naman sya.
Nag-ikot ikot pa kami sandali sa labas bago ulit kami pumasok ng plaza. Maya't maya ulit akong napapatingin sa phone ko pero wala pa ring tawag o message galing sa kanya. Makakapunta ba talaga sya?
"Ba't nalungkot ka naman dyan?"
"Di ah." pagtatanggi ko.
"Maniwala ako." mahinang hinampas ko ang braso nya.
"Maniwala ka nalang kasi."
Nagkwentuhan nalang ulit kami habang naglalakad pabalik sa tent kung nasaan sila Gi. Binabalikan lang namin yung mga nangyari samin noong juniors palang kami.
YOU ARE READING
Ang jowa kong balikbayan
أدب الهواة𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricycle ko yung nabangga pati puso ko. Bwisit na hilaw na Amerikana.