Date ala Winter

4.1K 176 44
                                    


"I'm really sorry Winter."

Kasaluluyang nakatayo lang kami ngayon ni Karina dito sa labas ng bahay.

Simula ng dumating sya puro sorry nalang naririnig ko sa kanya.

"I didn't know na matatagalan kami and may emergency kasing nangya--"

"okay lang Karina." putol ko sa kanya.

Di kasi kami natuloy.

"I'm really sorry. I planned th--"

"Karina." sa wakas ay nagawa nya na rin akong matignan sa mata.

Kitang kita ko ang frustration sa mukha nya.

Sa totoo lang nainis ako kanina. Buong araw kasi ako nag-intay. Inaamin ko nag-ayos rin ako. Tapos ngayong gabi lang sya dumating tapos sorry pa yung una kung narinig.

Pero ngayong narinig ko yung rason nya at nakikita ko syang malungkot, parang nawala bigla lahat ng inis ko.

"Naiintindihan ko Karina. May next time pa naman eh." tinignan nya naman ako ng seryoso.

"But you waited for me tapos sabi nila Gi nag-ayos ka din. I feel like a jerk for wasting your efforts." napayuko naman sya.

Nakakainis talaga minsan maging kaibigan sila Gi.

Napatingin naman ako sa mumurahing watch ko. 7 pm palang naman.

May naisip kasi akong idea.

"Ngayon nalang tayo mag date." agad namang umangat ang tingin nya sa'kin parang di makapaniwala sa narinig nya.

"Are you sure?"

Nakangiting tumango naman ako.

"Pero pwede bang ako ang masusunod?"

Pumayag ka please.

"Sure." ngumiti na rin sya "where do you wanna go?"

Lumawak naman ang ngiti ko.

"Nakasakay ka na ba ng tricycle?"

----

"Are you sure this is safe?"

"Karina safe nga. Basta hawak ka lang mabuti dyan."

Kanina nya pa ako tinatanong nyan. Pansin kong masyado syang matangkad para i angkas dito sa likod pero parang ang panget kasi kung sa loob ko sya pinasakay.

Muntik akong batukan ni Mama nung nagpaalam ako sa kanya kaya lang ng makita nya si Karina biglang bawi ng kamay si Mama. Si Karina na rin mismo nagpaalam samin.

Hindi tungkol sa date ha.

Pinagpaalam nya lang na gusto raw nyang mag stroll sa baranggay at gusto nyang ako ang kasama.

Grabe ang lamig lang. Buti nalang at nakapagsuot ako ng hoodie. Nilingon ko naman si Karina. Okay lang kaya sa kanya ang lamig? Parang ang nipis kasi ng suot nyang damit.

"Karina nilalamig ka ba?" medyo nilakasan ko pa ang boses ko para lang marinig nya ako.

Muntik naman akong mawala sa focus ng naramdaman ko ang paglapit nya sa'kin.

"Medyo!" malakas na sabi nya malapit sa tenga ko.

Juskodai.

Malapit na naman kami.

Inihinto ko muna sa tabi ng daan yung tricycle.

"Dito na ba tayo?" natatawang tanong nya.

Bumaba naman ako ng tricycle. Nagtatakang umalis rin sya sa kina-uupuan nya.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now