Chapter 9: Mistakes

1.3K 104 1
                                    

"YES NAMAN!" Ulit ko pa para sure na hindi ako lutang or ano, baka imagination ko lang-

"Thank you." Ngumiti naman ako. "I don't know any girls beside you and Phee at kayo lang rin ang choice ko. kaso pinsan ko si Phee and it would be weird so I invited you. Thank you so much."

Napasimangot naman ako, so wala siyang choice kundi piliin ako dahil wala siyang ibang ka-close na babae besides saamin ni Phee? ok lang naman ang puso ko. I mean it's him or none diba?

Ang sarap sanang magreklamo kaso mas mabuti nalang to kesa hindi ka partner si Killian. Baka masapak ko pa yung partner niya.

"So like pumunta ka lang dito para imbitahin ako?" tanong ko sakanya.

"Y-yeah, I also apologize." Tumango tango naman ako at bumuntong hininga. Tumayo na ako at tumingin sa may bintana, should I be surprised? Nasa second floor ang kwarto ko and he manage to get here without a hassle.

Sabagay, bampira naman siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Baka nag-alala na sina Aurelius sayo, I'm sure tumakas ka lang." mahinang sabi ko habang nakatingin parin sa may bintana.

"G-galit ka ba?"

"Ako? Hindi ah young master." Sagot ko at ngumiti sakanya, I was disappointed that I got my hopes up. hindi naman ako galit, just disappointed sa sarili ko.

I should probably stop hoping too much kasi siya ay isang bampira samantalang ako naman ay normal na tao lang.

"Y-you look mad." Mas lalo ko namang pineke ang ngiti ko.

"Ano ka ba yung master? Hindi ako galit..." -Me

"Dahil ba pinilit kita maging partner ko?" –Young master.

"Of course not young master, umuwi ka na po. Baka hinanap ka na ng mga kapatid mo." Sabi ko at inayos ko naman ang higaan ko.

"Oh... ok. I'll see you when I see you then?" tumango naman ako pero nakatalikod parin sakanya. may narinig akong pagsara ng bintana kaya humarap na ako, he's gone now.

Agad naman akong napatakip ng mukha, what the heck am I doing?! Kasalanan ko yun! I was getting my hopes up, hindi ako galit kay young master. Nagalit ako sa sarili ko, tsk nailabas ko tuloy ang inis ko kay young master.

WAAAA- I hope hindi ako mawalan ng trabaho dahil sa katangahan ko.

"AAAAAAGHHH"

*Door open*

"Ate kanina ka pa ha. Ano ba? Marami nang natutulog sa ospital. Stop groaning and shouting in the middle of the night." Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Berry sa kwarto ko

Napakamot nalang ako ng ulo. Buti nalang at nakaalis na si young master, kung hindi. I'm doomed.

"Sorry sis." Napailing iling nalang ito at tinaasan ako ng kilay.

"You look upset, may masakit ba sa katawan mo?" umiling naman ako at humiga na ng tuluyan sa hospital bed ko, my sister really know me too well. "Also, are you talking to someone? Kanina ka pa maingay."

Hindi na ako sumagot, she acts so maturely. I heard the door close atsaka natulog na ako.

~~~~

Another week has passed and oras ko na para pumasok. I'm ok now, except sa marami pa akong gagawing school works because I was resting for 3 fucking weeks.

Hindi ako pinapasok ni Phee because of a fever. Buti nalang talaga at fast learner ako kaya madali lang akong naka-catch up sa school works. Also thank god marami akong school works, I was avoiding young master.

Hindi naman sa iniiwasan na hindi kami magkita. Iniwasan ko lang ang mga conversation, baka mailabas ko na naman ang inis ko. PSH... I'm being immature right now, pero ako parin namana ng partner niya. next next week na ang festival.

Tama nga si Phee, mabilis lang ang panahon. Also pagbalik ko, marami nang booths and some carnival shits. Puro puso, kulay pink at mga magjowa ang palagi kong nakikita. Masakit siya sa mata, actually the festival setting was not bad. Si Phee at Juno ata ang nag-manage dahil inutusan sila ni Aurelius.

Also Lucian and Damian is always around us lately. Mas madalas ko na silang nakikita because Lucian is kind of helping me in my studies right now. Matalino rin si Damian at nagpapaturo rin ako sakanya minsan, they aren't so bad afterall.

"Quinn, gusto mong pumunta sa cafeteria?" napakagat naman ako ng labi. "You haven't eaten anything yet and it's already noon."

My god, ito yung iniiwasan ko eh. Yung kami lang dalawa, since it's my job as an escort I need to do what he said. Pero madalas lang yung kami lang dalawa ang magkasama kasi andyan sina Phee. Here goes nothing-

"Sige young master!" masigla kong sagot. Young master smiled brightly at me."Guys gusto niyong sumama?"

Hindi ko alam pero biglang nawala ang ngiti niya. SHIT- "T-the more the merrier diba?"

"Sure." They all agree naman, mas lalong naging close sina Juno and Phee. Ako naman ay close na ang kambal. Inakbayan naman ako bigla ni Damian, this dude is been doing it lately. Feeling close amp, mas gusto ko pa si Killian ang umakbay saakin.

Naunang maglakad si Lucian and Killian, Lucian was talking to Killian about something kaso diko marinig kasi ang daldal ni Damian. Who would've thought this cocky dude is bubbly.

"So bakit hindi mo na kinakausap si Kill? You usually walk beside him." see? Chismoso rin siya.

Tinuruan niya rin kasi ako ng lessons ko I don't need to be blunt sakanya. atsaka mas bumait siya dahil siguro sa paghahampas ni Lucian. Aurelius already went abroad pero babalik rin naman.

"Truuu. Anong nangyari mansanas?" sumabay naman sa pag-akbay si Phee. Phee's been kind to them too, hindi na siya mukhang dragon pag mag-usap sila nina Damian. We're all basically close now.

"Tumahimik nga kayong dalawa." I glanced at Killian and I saw him looking at me kaya umiwas agad ako.

"May MU kayo?" hinampas ko naman si Juno, mga buset talaga.

"Baka nga kasi hindi na sila nag-uusap or nag-bobonding. I was surprised you invited us, cousin Killian asked you instead kaming lahat." Ngumuso naman ako at yumuko. "Iniiwasan mo ba siya?"

"H-hindi no." obvious ba? Damn it!

"Alam mo Quinn." I glared at Damian, gago siya bakit niya ako tinatawag niyan? Si young master lang ang pwede. "Fine, mansanas then. Kausapin mo na siya, he's been trying to talk to you since you came back."

Its true, simula nung bumalik ako sa school. He's been busy reaching out to me lately. Pag-yayain niya ako, maghahanap ako ng palusot like I'm busy with school works or something. I cant face him for some reason... 

Escorting the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon