Chapter 6: Festival Theme: Romance

1.3K 92 4
                                    

"Young masterrrr!" malakas na sigaw ko. pero agad rin akong napatakip ng bibig ng na-realize ko na nasa library pala kami.

Humarap naman siya saakin, he's always out of the world nowadays.

"Hi Quinn, Ophelia and Juno." Maikling bati niya, ngumiti naman ako. Ang kyut niya talaga kahit cold ang mata niya, mahiyain lang talaga si Killian and he doesn't talk much.

"Ba't ka pala andito Kill? Diba pina-stay ka sa ospital para sa imbestigasyon?" tanong ni Phee sakanya, nagulat naman kami ng biglang nag snap ng fingers si Killian.

"Oo nga pala, doon nga pala ako pupunta. I don't know why I got here, I was..." napakamot naman siya ng ulo, wait did he forgot again? "Out of the world na naman."

"Seryoso-" napatigil naman si Phee sa pagsasalita na parang may narealize na kung ano. "Teka... out of the world? Since when did that happen?"

Napaawang naman ako ng labi, is that a big deal? Kailangan bang malaman iyan? Isn't that pretty normal? Daydreaming?

"Hindi ko alam. I think it's when my brothers were discussing something about links, they mentioned a name. I forgot...who. I just can't remember whose name that was." Napatitig naman ako kay Kill, hmm?

"N-name... nakalimutan mo?" Phee asked again.

"Oo." maikling sagot ni Kill, napanguso naman ako. Bakit parang wala akong alam sa mga ganon? I wanted to know too pero I think it's not my business since escort lang naman ako.

"Tsk, Apple dearie do your job muna ha? I'll go somewhere. Tara Juno." Agad silang umalis ng kinuwento iyon ni Killian, ano kaya ang meron?

Young master was staring at something again. Ano ba yun? lumapit ako sakanya at tiningnan yun. wala naman akong nakita except sa isang vase. Nasa gilid kami, tumingala naman ako. The window kaninang umaga, it's already closed. Akala ko sira eh

Napatingin naman ako sa paligid, it's just normal. Wala masyadong estudyante, Killian is just there staring-

"Young master ba't ka pala napunta dito?" tanong ko sakanya. his cold eyes gazed at me, parang wala sa sarili. Na feel ko tuloy ang chills, what the heck- "Y-young master?"

Ang weird niya ngayon, he kept staring on empty spaces at palaging tulala. Parang hindi siya yung young master na nakita ko kahapon, young master would smile and talk to me pero ngayon. Nakatitig lang siya saakin.

"You're strong." Bulong niya.

"Ha?" actually narinig ko talaga yun pero bakit ganon ang tono? Ang cold-

"You forgot what happened last night don't you?" tanong niya saakin, he doesn't feel like young master at all. Na cautious tuloy ako.

"A-anong ibig mong sabihin? Magkasama tayo k-kagabi." Si young master ba talaga to?

"You climbed out at that window..." naglakad siya patungo sakin kaya napaatras ako. "You were smiling scarily. And you said 'I'll beat them to death'. You don't remember?"

Ano...ano? Ako? Beat someone- sino naman?! Cold parin ang mata niya. Dahil sa pag-aatras ko ay napasandal sa pader... he's not young master. Sino to?! His aura was incredibly strong!

"You're just like me-"

"Young master!" sigaw ko dahil bigla siyang nawalan ng malay.

What is he talking about? At sino ba yun?

~~~~

"So ang sinasabi mo ay nahimatay lang siya sa library kakatitig sa kawalan?" napakagat namana ko ng labi at tumawa.

"P-parang ganon na nga!" andito ako ngayon sa dorm namin, it's already 7 pm.

Hindi ko sinabi kung ano ang pinag-usapan namin ni Killian kanina, Killian's brother might do something to him again. binuhat ko siya papuntang school clinic at tinawagan si Phee, pinauwi naman ako ni Phee dahil sina Aurelius nalang daw ang magbabantay doon kay Killian.

"Are you hiding something from me?" napakamot naman ako ng ulo at umiling, should I hide it? baka nagkamali lang rin ako kanina kay Killian.

But he did say something weird saakin, bakit wala daw akong naalala kagabi? Anong nangyari ba kagabi? Natulog lang naman ako diba? Pero sinabi niya na tumalon ako sa may bintana, bakit naman ako tatalon doon?

Tsaka babalik rin naman sa library. Weird, I seriously didn't remember any of that. Ang naalala ko lang ay yung masakit ang katawan ko, that window is fucking high. Paanong naabot ko yun? Nah, master's just probably playing with me... or is he?

"HEYAAA!!!" napabangon naman ako ng biglang may sumigaw sa labas. It was Juno's voice. "APPLE! PHELI!"

Lumabas naman kami sa kwarto namin, how did this dude get in? he's a vampire at may vampire barrier dito, unless si Phee ang nagbigay sakanya ng permission. Anong ginagawa niya dito?

"This is about the festival." Napataas naman ang kilay ko, he went here just to announce that? "The theme is romance." And the next thing we knew... my face and Phee's face turned sour.

Escorting the Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon