Simula noon araw na yun, I silently observed Ben and Bianca. Sa kasamaang palad, laging wala si Ben. Kung nandyan man siya, wala naman akong nakikitang kakaiba like spark or something kapag magkasama sila.
"Aubrey."
Lilingon nasa ako sad tumawag sa akin nang biglang may yumakap sa akin.
"Nagkabalikan na kami ni Vyne. I'm so happy," masayang saad nito habang mahigpit ang pagkayakap sa akin.
Kahit di ko nakikita ang mukha niya alam kong abot-langit ang ngiti niya.
"I'm happy for you."
Walang ibang ginawa si Vince buong lunch break kung di magkwento tungkol sa pagbabalikan nila. Sa totoo lang, ngayon ko lang siyang nakitang masaya ulit. Masyadong atang stressful ang mga nakaraang linggo para sa kanya. I want to ask pero mas mabuti kong siya mismo ang magsabi sa akin kung ano man ang nakakapagpa-stress sa kanya. Kung kailan siya ready.
"Aubrey….. Kami na ulit," masayang saad siya habang nakatingin sa malayo.
Tumango ako. "Alam ko na po. Million times mo na atang sinabi yan."
Pero mukha atang di niya ako narinig. Mukhang malalim pa rin ang iniisip. Hayst! Pag-ibig nga naman. Kaya, Mr. Kupido, wag ako! Ayaw kong maging tulad niya. Hindi matino kung kausap. Mabuti na lang crush lang yun nararamdaman ko kay Vince dati.
"I can't believe it!" He sighed. "Siya yung nakipagbalikan sa akin. God! I knew it! Mahal na niya ako."
Hindi ko siya pinansin at kinuha na lang ang notebook ko para makapag-study sa quiz sa next subject. Long quiz pa naman.
"Baka natauhan na siya. Hindi nga sila puwede. Ben can't love her back."
Natigilan ako. Anong sinabi niya? Ben? Bakit mahal ba ni Vyne si Ben noon? Di ba magkapatid sila?
"Vince.."
Lumingon ito sa akin na may ngiti pa sa labi. "I have to go. Magkita na lang tayo ulit."
Muntik na akong di maka-passing sa long quiz namin kanina sa kakaisip sa sinabi ni Vince kanina. Vyne at Ben? Di ba sila ni Bianca at Ben dati? Ay! Iwan! Ang sakit sa ulo. Malapit na ako sa C.R. nang may marinig ako.
"Wala na ba talagang pag-asa?"
Teka, boses ni Bianca yun ha. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Nasa isang bakanteng room. Di nga ako nagkamali. Si Bianca. Pero sino ang kausap niya. Hindi ko makita dahil nakatalikod ito sa akin.
"You know the answer, Bianc."
"Pero I still love you. Please." Halos maiiyak na sabi nito.
Sa halip na sagutin ay niyakap siya nang kausap niya at doon siya tuluyang umiyak.
I sighed. Ganyan ba talaga kapag nagmamahal, magmamakaawa ka. Di ko ata kaya yun. Aalis na sana ako nang makita ko si Marian. Nakatingin lang siya sa akin at agad umalis. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa tapat nang C.R. saka niya ako nilingon.
"Are you surprised?"
Hindi ako makasagot. Oo. Kasi hindi ako makapaniwala sa nakita ko. How can she begged like that? Pero mas nangingibaw ang kagustuhan kong malaman kung sino ang lalaking yun. Gago siya! How can he do it to my cousin?
"Sino yung lalaki?"
Ngumiti lang siya sa akin at pinatalikod ako. Pagkatalikod ko ay nakita kong lumabas si Bianca. Pula ang mga mata nito at mabilis na umalis. Pagkatapos nang ilang minuto, lumabas ang lalaki. Noong una, di ko ito nakilala pero nang lumingon ito sa kinaroonan nami doon ako nagulat. Si Ben.
"You know why I hate your cousin? Kasi ginamit niya si Ben para tumaas ang position. Not a fair game, is it?"