Kanina pang umiiyak si Bianca. Hindi makapaniwala sa nalaman. Buong buhay namin, ang alam lang namin ay pareho kaming walang ama.
"Papa."
Yumakap si Bianca sa nagpakilalang ama niya...si Lock Carreon. Ang taong nagpapabago nang buhay ko. Sumunod na yumakap si Tita. Mukha silang masayang pamilya. Pinahiran ko ang mga luha ko at walang pasabing pumunta sa kwarto.
Simula kasi noong araw nang makita ko silang nag-uusap ni Tita ay lagi na siyang bumabalik dito. Madalas na wala si Bianca kapag dumadating siya kaya ako lang ang nakakita kung paano siya pagtabuyan ni Tita. Hanggang sa kanina nga dumating ulit siya at nagkataon naman na kami lang ni Bianca sa bahay at doon siya nagpakilalang ama namin.. OO, magkapatid kami ni Mama. Kinumpirma iyun ni Tita pagdating niya. Kung paano naging isang ama namin, hindi ko alam at wala akong planong malaman. Kinamumuhian ko siya.
"Ang saya ko po ngayon. Hindi ko inaasahang ang araw na ito," masayang saad ni Bianca habang nag-aalmusal kami.
Uminom ako ng tubig. Tumayo habang dala ang pinagkainan ko at inalagay ito sa lababo.
"Tita, alis na ako," pagpaalam ko kay Tita at nagmano.
Lumingon ako kay Bianca. "Una na ako." Tumango siya.
"Anak."
Hindi ko siya pinansin at umalis na papunta a trabaho.
Mabilis na tapos ang shift ko. Gusto ko ngang mag-double shift dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya pero hindi ako pinayagan ni Boss. Wala akong nagawa kung di umuuwi.
"Ma, nandito na si Aubrey."
Ngumiti lang ako sa kanya pagpasok at dumiretso na sa kwarto.
"Aubrey, kumakain ka na ba? Ang Papa niyo ang nagluto nang hapunan."
Tinignan ko si Tita at pilit na ngumiti. "Kumain na po ako. Matutulog na ako. Pagod ako."
Hindi naman ako pinilit ni Tita na sumabay kumain sa kanila. Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama at natulog.
Alas 10 ng magising ako nang makaramdam ako ng gutom. Tumayo ako sa pagkakahiga at nag-isip kung bababa ba ako baka kasi nandoon siya. Pero dahil alam kong nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan ay bumaba na lang ako. Pagdating ko sa sala ay wala siya. Sa sala kasi siya natutulog dahil wala kaming ibang kwarto. Gusto sana ni Bianca na sa kwarto niya siya matulog habang kami naman ni Bianca ang matutulog sa kwarto ko. Mabuti na lang at siya na mismo ang nagsabi na sa sala na lang siya para may bamtay sakaling may magnanakaw. As if naman may mananakaw. At saka wala ba siyang bahay?
Tahimik akong kumakain nang biglang bumukas ang pintuan sa kusina. Pareho kaming nagulat pero agad akong nakabawi at nagpatuloy sa pagkain. Pumunta siya sa ref para kumuha nang tubig. Nang matapos na ako ay hinugasan ko ang aking pinagkainan.
"Anak, puwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya pagkatapos kong maghugas. "Tungkol sa Mama mo."
Napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya ngayon. Wala akong nagawa kung di umupo sa harapan niya.
"Noong araw na namatay ang Mama mo, nagkita kami." Pagsisimula niya. May halong lungkot ang boses niya. " I want to explain myself at gusto rin kitang makita pero ayaw niya. Nagpumilit ako hanggang sa nag-away kami, hanggang sa… inatake siya."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Buong buhay kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari kay Mama. Naniwala ako dati kung hindi lang bumili si Mama nang doll at nagpahinga baka.. buhay pa siya. Buong buhay kong tinanong Siya kung bakit Niya kinuha ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Tapos ngayon…
"Anak.." Tuluyan na siyang umiyak. "Pata-"
"Hindi kita mapapatawad. " Galit kong saad at iniwan siya.