Kabanata 36

1 0 0
                                    

“Ang taas ng linya sa department natin ah.” Napatingin naman ako sa department building namin at totoo nga maraming nakalinya. “Kukuha pa lang ng enrollment form yan ha. ”

Hindi na ako nagsalita at dumiretso na lang sa department building para makakuha ng enrollment form. Mabuti na lang, isang year level lang ang puwedeng mag-enroll ngayon kung hindi baka puno ang campus ng mga estudyante mula sa iba't-ibang degree program.

Mabilis naman ang proceso sa enrollment sa pila ka lang talaga matatagalan dahil sa Dani ng estudyante.

“Block A ka ba pa rin?” Tanong ng isa kong kaklase noong 1st sem. Tumango ako. “Kaklase pa rin pala tayo. May naisip ka na ba kung saan ka--”

"Aubrey." Hindi natuloy ang sasabihin ng kaklase ko ng tumawag si Vince at pumunta papalapit sa amin. “Kumusta ka na? Long time no see, best friend.”

“Mauna na ako, Aubrey. See you next week.” Pagpaalam ng kaklase ko at umalis na.

Nang makalapit na si Vince ay niyakap niya ako. “Miss you, best friend.”

I hugged him back. “Miss you, too.” Kumuwala ako sa yakap. “Tapos ka na?”

Tumango naman siya. “Halika. Let's go somewhere.”

Nandito kami ngayon sa tagpuan namin simula noong bata pa kami. Pagkalabas namin ng school ay pumunta kami saglit sa convenience store para bumili ng mga pagkain at dumiretso kami dito. Hindi rin kami nahirapan papunta rito dahil dala niya ang scooter niya.

“Ang ganda talaga dito. Tuloy pa rin ba ang plano mo na patayuan ito ng bahay para sa magiging pamilya mo?”

Uminom muna siya ng juice bago ako sagutin. “Oo. Pero yung magkapamilya, iwan ko kung magiging totoo.”

Pabiro ko siyang hinampas sa braso niya. “Gagi… Makakapamilya ka noh. Malulungkot ako kapag tumanda kang mag-isa.”

“Andyan ka naman di ba para alagaan ako?”

Napangiti ako. Nagbago na talaga siya. Dati noong bata kami, alam niya kung ano ang gusto niya. May planner pa nga siya noon. Dapat ganito, dapat ganyan. Hindi nga nawala sa mga plano niya na magkaroon ng nobya sa college at yun na ang gusto niyang makasama habang buhay pero sa tingin ko, hindi na. Wala na sila ni Vyne. Pero masyado pang maaaga para sabihing hindi maging sila baka pagkatapos ng ilang taon, magkabalikan sila. Basta, isa lang ang alam ko. Kapag lumalaki na tayo, hindi lahat ng mga plano natin noong bata pa tayo ay matutupad. Hindi natin hawak ang panahon at hindi rin madali ang buhay.

“May ibibigay pala ako.”

Kinuha ko sa bag ko ang isang bracelet na binili ko noong nagbakasyon kami. Simple lang ito pero alam kong magugustuhan niya. Kinuha ko ang kamay niya at ipinasoot ang bracelet.

“Ayan. Bagay sa'yo.”

Tinignan naman niya ito at ngumiti. “Salamat. ”

Biglang natahimik sa pagitan naming dalawa at kanya-kanya lang kaming nakatingin sa mga ibong masayang nagliliparan sa kalangitan.

“Kumusta ka na? Yung totoo.”

Ramdam ko ang malalim na paghinga niya. “I'm still on the process of healing. And with that, marami akong napagtanto, isa na doon na not all the time, you will be on the 1st spot but it doesn't mean na you're not good enough. Isa pa, you can't force someone to like and love you back kahit pa anong gawin mo. You can't control someone's heart. Kung hindi man ako ang magbibigay ng graduation speech, okay lang. Kung hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko ngayon, okay lang.  I know that God has plans for me na makakabuti sa akin. I know that someday, someone will love me and I will shine. I will just wait in God's perfect time. ” Lumingon siya sa akin. “Malay natin someday, I will be a prominent engineer at may masaya at buong pamilya.”

Napangiti ako at niyakap siya. “In God's will.”

“Salamat, Aubrey. Salamat at sinamahan mo ako.”

Malapit na magdilim ng ihatid ako ni Vince sa bahay. Sa buong araw namin doon, wala kaming ibang ginawa kung di mag-usap, kumain at maglaro. Isa ito sa mga magandang sandali na alam kong maalala ko pagtanda ko. Mga sandali na kasama ang nag-iisa kong best friend.

“Salamat din, Vince. Salamat at makasama ko na rin ang best friend ko.”

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “Sige. Mauna na ako.”

“Sandali.”

Kinuha ko sa bag ko ang aking flashdrive. Matapos kong marinig ang mga kanta na na sa flashdrive ni Ben ay ipinasa ko ito sa sarili kong flashdrive. May balak sana akong iuwi sa kanya ang flashdrive pero hindi ko na siya nakikita. Kung may pagkakataon man magkita kami, hindi ko naman dala ang flashdrive.

“Pakinggan mo ang mga kantang naka-save ka dyan. Maybe, it can help you.”

Tinanggap naman niya ito at nilagay sa bulsa niya. “Salamat. Mauna na ako.”

Tumango ako. “Amping.”

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon