Naging usapan-usapan sa school ang mga huling katagang sinabi ni Vince noong araw na yun. Kahit ako ay naguguluhan sa sinabi niya. Ano bang ibig sabihin ni Vince na hindi niya kayang mahalin si sino. Si Vyne? Magkapatid sila di ba? Bakit? Hindi ba tanggap ni Ben si Vyne bilang kapatid? Ampon ba si Vyne? Iwan ko ba pero sa tingin ko mayroon silang hindi sinasabi.
Pagkatapos nang klase ko ngayong araw ay agad akong pumunta sa bahay nilang Vince. Hindi ko siya nakitang pumasok pagkatapos nang isang linggong suspension. Sa tingin ko kasi ay may kasalanan ako sa nangyari.
"Hija, si Vince ba ang sadya mo?"
Si Lola Carmela ang bumungad sa akin pagdating ko sa bahay ni Vince. Siya ang mama ni Tito Peter, tatay ni Vince. Matagal nang nandito si Lola nang malaman nilang maysakit ito.
"Opo, Lola. Nandito po ba siya?"
Tumango siya at tinuro ang kwarto ni Vince.
" Salamat, Lola."
Aakyat na sana ako nang tinawag niya ako.
" Sandali, hija. Hindi ka pa nagmamano sa akin."
Ngumiti ako sa kanya saka nagmano.
Hindi ko nakita si Vince sa kwarto niya kaya agad akong pumunta sa kwarto nang dalawang ate niya. Kapag kasi may problema siya ay sa mga ate niya siya pumupunta pero simula nang mamatay ang dalawa ay sa kwarto lang nang mga ate siya magmukmok. Ang dalawang ate niya ay kambal. Sampung taon ang agwat nila. Naalala ko pa dati noong mga bata kami ni Vince ay pinaghahandaan nila kami nang meryenda tuwing naglalaro o di kaya nag-aaral kami. Parehong matalino, mabait, masipag at maganda ang dalawa. Magkamukha sila at kung hindi mo sila lubos na kilala ay tiyak na malilito ka. Pero kahit ganun, ay magkaiba sila nang hilig. Si Ate Vivienne ay mahilig sumali sa mga beauty pageant. Magaling din siyang magsalita kaya madalas siyang nakukuha bilang emcee. Matalino siya pagdating sa Math at Science. Maaasahan siya pagdating sa bahay. Masarap siyang magluto lalo na yung specialty niya na kaldereta. Nakapagtapos siya sa kursong Medtech. Habang si Ate Viviana ay halos di lumalabas nang bahay. Gusto niyang mapag-isa para makapabasa siya o di kaya sumulat. Kung si Ate Vivienne ay beauty queen, siya naman ay isang napakagaling na author. Marami na siyang na-publish na libro na tinangkilik nang marami. Magaling siya pagdating sa literature at history. Pagdating naman sa bahay ay maaasahan siya sa paglilinis. Mahilig siyang magluto pero mas magaling siyang mag-bake. Nakapagtapos siya sa kursong Journalism. Napakasaya nang buhay nila ni Vince hanggang sa namatay si Ate Viviana. Grade 8 kami noon. Sobrang nasaktan si Vince sa nangyari. Ilang linggong hindi siya pumasok at nagmukmok lang sa kwarto niya. Ang sabi ay tungkol sa trabaho ang rason kung bakit siya nawala. Noong medyo okay na si Vince ay sumunod na nawala si Ate Vivienne. Isang taon pagkatapos mawala ni Ate Viviana ay natagpuang nagpakamatay siya sa apartment na tinitirhan ito. May suicide letter itong binilin na nagsasaad na niloko siya nang nobyo at kaibigan niya. Simula noon ay takot na si Vince mawalan nang mahal sa buhay. Kaya ginagawa niya ang lahat para di lang siya iwan.
"Vince."
Hindi siya umimik nang pumasok ako sa kwarto nang mga ate niya. Nakaupo siya sa isang study table habang yakap-yakap ang larawan nang mga ate niya. Sa loob nang ilang taon ay walang binago sa kwarto. Nandoon pa rin ang mga gamit nila tulad nang laptop, ballpen, papel, libro at iba pa. Nandoon rin ang mga sash at koronang napanalunan ni Ate Vivienne at certificates naman kay Ate Viviana.
"Aubrey, bakit? Bakit lagi na lang akong iniiwan?" Nagsalita na siya nang lumapit na ako sa kanya. " Ginawa ko naman lahat di ba? Bakit?"
Niyakap ko siya. " Hindi kita iiwan, Vince. Pangako. "