Third Person POV
“Ang bata pa lang niya pero tignan mo, President sa church."
"President nga pero wala naman nagawa. Youth Camp? Wala bang bago? Tignan mo konti na lang ang mga miyembro kasi hindi marunong magdala ng mga miyembro. Kung si Marian lang yun, baka mas maganda."
"Bata pa kasi. Hindi pa mature."
Hindi na lang niya pinansin ang mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Inayos niya ang kanyang salamin at pasimpleng naglakad papunta sa simbahan.
"Memp, napapunta ka? May gagawin ka ba ngayon o may kailangan ka kay Father? Wala pala si Father. Umuwi sa kanila. Mamayang hapon pa ang balik non. " Bungad sa kanya ni Mang Bobby, isa sa mga pinagkakatiwalaang tao sa simbahan.
"Hindi po, Kuya. Magdadasal lang ako," tugon niya at ngumiti.
"Sige. Aalis muna ako."
Nang wala na si Mang Bobby, pumasok siya sa simbahan at lumuhod habang humihingi ng gabay sa Kanya kahit na siya ay may pagdududa na sa kanyang sarili.
Sa bahay naman ng mga Corpuz, mag-isa lamang si Vyne. Nasa trabaho si Ginoong Corpuz habang si Ben naman ay may pinuntahan.
"Ang pangit naman ng ending," dismayang saad niya pagkatapos manood ng isang pelikula.
Simula ng matapos ang klase ay wala siyang ibang ginawa kung di magkulong sa kwarto, manood ng mga pelikula.
Ini-off niya ang kanyang laptop at tumayo na sa kanyang kama ng masagi niya ang isang picture frame. Picture pala nila ito nila ni Ben noong una nilang pagkikita. Ulila na si Ben noong panahong yun at si Ginoong Corpuz na ang nag-alaga sa kanya dahil half-sister ni Ginoong Corpuz ang ina ni Ben. Habang siya ay kinupkop mula sa ampunan. Simula pagkabata ay si Ben na ang kasama niya at kaibigan. Nagkaroon lang siya ng kaibigan noong high school at si Bianca yun. Buong buhay niya, si Ben lang ang gusto niyang makasama habang buhay pero itong nakaraan ay nagpatanto niya na paghanga lamang ang kanyang nararamdaman. Nararamdaman sa taong tinuring siya na parang totoong kapatid.
Kinuha niya ang picture frame at inilagay sa lamesa malapit sa kama niya. Dumiretso siya sa cabinet para mamili ng susuotin nang mahagip ng kanyang mata ang white dress na regalo ni Vince sa kanya. Napangiti naman siya at kinuha ito. Si Vince ang kauna-unahang lalaking naglakas-loob na manligaw sa kanya. Hindi dahil takot kay Ben o sa ama niya kung di dahil takot sa kanya. Maldita ang aura kasi niya. Hindi rin siya palangiti. Sabi nga nang iba, strikta at mataas ang standards pagdating sa lalaki pero si Vince, iba siya. Alam naman niya, high school pa lang, may gusto na si Vince sa kanya pero college na ito umamin. Wala naman problema si Vince pero nasira ang relasyon nila ng malaman niya na si Ben ang mahal ni Vyne.
Pagkatapos magbihis ay agad umalis si Vyne sa bahay at napagdesisyunan niyang pumunta sa park, kung saan sila una nag-date ni Vince. Malapit na siya sa park ay makita siyang stall nang fishball kaya bumili siya habang inaala ang unang date nila ni Vince. Pagkatapos ay dumiretso siya sa may swing nang may makitag pamilyar na lalaki at babae. Tindig pa lang ay kilala na niya ito. Lalapitan sana niya para kumustahin lalo na ang lalaki dahil matagal na ang huli nilang pag-uusap ng niyakap ng binata ang dalaga. Bigla naman kumirot ang puso niya at di namalayang may tumulo na palang luha. At sa pagkakataong iyun, alam na niya kung sino ang tinitibok ng puso niya pero mukha atang huli na ang lahat.
Aubrey's POV
Buong araw akong nakakulong sa kwarto, hindi alam kung ano ang gagawin. Para bang ako'y nakunan nang tinik mula sa nararamdaman ko. Para bang gumagaan ang mundo ko na minsan ay kaybigat. Kinuha ko ang flash drive ni Ben. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Sa DVD player ko nilagay ang flash drive dahil wala naman akong laptop. Di nagtagal ay may narinig na akong kanta.
We pray for blessings
We pray for peace
Comfort for family, protection while we sleep
We pray for healing, for prosperity
We pray for Your mighty hand to ease our suffering
All the while, You hear each spoken need
Yet love is way too much to give us lesser things'Cause what if your blessings come through raindrops
What if Your healing comes through tears
What if a thousand sleepless nights are what it takes to know You're near
What if trials of this life are Your mercies in disguiseWe pray for wisdom
Your voice to hear
We cry in anger when we cannot feel You near
We doubt your goodness, we doubt your love
As if every promise from Your Word is not enough
All the while, You hear each desperate plea
And long that we'd have faith to believeWhen friends betray us
When darkness seems to win
We know that pain reminds this heart
That this is not our homeWhat if my greatest disappointments
Or the aching of this life
Is the revealing of a greater thirst this world can't satisfy
What if trials of this life
The rain, the storms, the hardest nights
Are your mercies in disguiseHindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko. Para bang para sa akin talaga ang kanta. Buong buhay ko, sa tingin ko ay wala Siya, hindi Niya ako naririnig kasi wala naman magandang nangyari sa buhay ko pero sabi nga ng kanta “What if trials of this life are Your mercies in disguise”.
Huwag kang mangamba
'Di ka nag-iisa
Sasamahan kita
Saan man magpunta
Ika'y mahalaga
Sa 'King mga mata
Minamahal kita
Minamahal kitaTinawag kita sa 'yong pangalan
Ikaw ay Akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at TagatubosHuwag kang mangamba
'Di ka nag-iisa
Sasamahan kita
Saan man magpunta
Ika'y mahalaga
Sa 'King mga mata
Minamahal kita
Minamahal kitaSa tubig kita'y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at TagatubosHuwag kang mangamba
'Di ka nag-iisa
Sasamahan kita
Saan man magpunta
Ika'y mahalaga
Sa 'King mga mata
Huwag kang mangamba
Minamahal kitaTuluyan na akong umiyak sa pangalawang kanta hanggang sa nakaramdam ako na may yumakap sa akin. Hindi siya nagsalita, niyakap niya lang ako. Basa na ang mukha ko dahil sa aking mga luha. Pinikit ko ang aking mata at para ba akong may nakitang liwanag.
"I'm sorry," bulong ko bago nawalan ng malay.
Songs:
Blessings
Huwag Kang Mangamba