Kabanata 40

0 1 0
                                    

“Aubrey.”

Napatigil ako sa binasa at tinignan ngayon si Aubrey na masayang pumasok sa kwarto ko.

“Bakit?”

“Nasa sala si Vince. Gusto  ka daw niya makausap.”

Tumango ako at itatago na sana ang librong binabasa.

“Ano yan?”

Hindi ko na siya nasagot dahil kinuha na niya ito.

“Nagbabasa ka nito?” Hindi makapaniwalang sabi niya ng nalaman kung ano ito. “Ikaw pa ba yan.”

Kinuha ko ito sa kanya at nilagay sa lamesa malapit sa kama.

“People change.” Tanging tugon ko.

“Masaya ako sa changes mo.” Niyakap niya ako. “What if every Friday night mag-bible study tayo?”

“Sige ba.”

Ngumiti siya saglit pero biglang nagbago ang ekspresyon niya na tila ba may naalala.

“I feel so guilty. Kahit ako na na taga simbahan ay hindi nagbabasa. Totoo nga yung religious but not spiritual at spiritual but not religious. Yung mga words of God malalaman ko lang kapag nagsisimba ako pero may pagkakataon talaga na hindi ko yung naisapuso.” She sighed. “I'm really sorry for that. ”

“Aubrey.” Napalingon ako sa tumawag sa akin na nasa pintuan ng kwarto ko. “Anong ganap?”

Ngumiti ako kay Bianca bago pinuntahan si Vince. “Ano--”

He hugged me. “Thank you. ” Nang kumawala siya sa yakap ay sinauli niya ang flashdrive na binigay ko sa kanya. “Thank you ulit.”

Ngumiti ako. “Thank you, Vince.” Bulong ko.

“Aubrey, may pupuntahan pala kami ni Bianca ngayon? Sama ka.”

Umiling ako. “Kayo na lang. Ingat.” Lumingon ako kay Bianca na nasa likod ko na pala. “Bianc, may lakad pa daw kayo. Mag-ingat kayo.”

Bumeso si Bianca at nag-wave si Ben bago sila nawala sa harapan ko.

VYNE'S POV

“Balita ko, ikaw  ang isa sa  magiging representative sa debate ng department niyo. Ba't wala ka kanina?” Usisa ni Ben.

Nasa kusina kami ngayon preparing for our dinner. Ang sabi ni Papa baka ma-late siya ng 30 minutes kaya mas mataas pa ang time namin to prepare. Kadalasan, 6:30  P.M. ay kumakakain na kami.

“May kinausap ako. Kaya nga ako maagang pumasok to tell them na hindi ako sasali para makapag-hanap ng ibang papalit, sagot ko habang tinitikman ang luto kong Menudo.

“Well. Magaling pa rin ang department niyo. Natalo niyo ang Technology Department.” Kumuha siya ng mga plato para ihanda na sa dining table.

“Best Speaker lang ako. Nasa amin pa rin ang Best Debater.”

Nagpatuloy kami sa kanya-kanya naming ginagawa hanggang sa umupo na lang kami para hintayin si Papa.

“Ben.” Pagkuha ko ng atensyon niya. “Sorry.”

Kumunot ang noo niya. I smiled. “Sorry kasi nagalit ako dati. Nagalit ako kasi hindi mo kayang suklian yung love ko for you. Takot lang naman ako na baka mawalan ako ng mahal sa buhay. Di ko naman alam na yung love ko ay mas higit pa kaysa kapatid. ” Tumawa ako. “Baka wala akong ibang nakita kasi masyado ka ng mataas. Pero seriously, I'm sorry. I'm sorry for forcing myself to you many times kahit alam ko na hanggang kapatid lang. Takot lang talaga ako.”

Tumayo siya at lumapit sa akin. “ It's okay, sis. I understand. ” Kumawala siya sa yakap at pinahiran ang luha ko. “ Sa gwapo ko ba naman 'to.” We laughed.

“Anak.”

Kasalukuyang nasa kwarto ako. Katatapos lang namin ni Ben mag-dinner. Ang sabi kasi ni Papa mauna na lang kami.

“Pa, si Ben po ang manghuhugas.”

Kadalasan, after dinner ay pinupuntahan niya ako sa kwarto para ipaalala na ako ang manghuhugas.

Tumawa siya. “No, anak. I want to tell you something.”

Pinatay ko ang laptop ko at tinignan siya na nakaupo sa harap ko.

“Kaya natagalan ako, kasi I met your dad. Your biological dad. Kasama rin niya ang biological mommy mo.” Hinawakan niya ang kamay ko. “They want to meet you.”

Bago ako inampon ni Papa ay pinangako niya na gaganapin niya mga magulang ko at ngayon ay nahanap na niya.

“Okay po. Kailan po?”

Tumayo siya at niyakap ako. “Kung kailan mo gusto, kung kailan handa ka. ” Tumango ako. “Vyne, I may not your biological dad pero tinuring kitang totoong anak. Di ba Ikaw princesa namin? You can tell me everything. Hindi mo kailangan itago nararamdaman mo. Even about Ben.”

Kumawala ako sa yakap. Tinignan siya. Nagtatanong. Paano niya nalaman?

“Di ba I treated you like my real daughter? Kaya alam ko lahat. Inalam ko lahat. Vyne, anak, promise me one thing. Tell me everything. Your burdens, your happiness, everything.”

Tumango ako. “Salamat, Pa.”

AUBREY'S POV

From: Bianca

Dito ako kina Vince matutulog. Hindi na kasi siya pinayagan ni Tita na ihatid ako. Matulog ka na. Wag mo na akong hintayin.

From: Vince

Best friend? heheh
Dito si Bianca matutulog sa amin. Di na ako pinayagan ni Mama na ihatid siya.

Hindi na lang ako nag-reply sa kanila at lumabas sa kwarto. Pasado 9 na ng gabi. Baka may bukas pang convenience store. Bigla kasi akong nagutom. Wala ngayon si Tita dahil sinama siya ni Papa sa business trip niya. Business trip o date. Iwan. Matanda na sila.

Pagkalabas ko ng bahay ay pumunta ako sa malapit na convenience store. Bumili lang ako ng noodles at aaalis na sana nang makita ko si Marian. Palabas na siya kaya agad ko siyang sinundan. Huminto siya sa maliit na park sa amin. Nilapitan ko siya.

“Gabi na ha.”

Nagulat siya pero agad naman siyang ngumiti.  “Nagpapahangin lang.”

Umupo ako sa tabi niya. May dala pala siyang mga chichirya at konting inumin. Mabuti pa siya naka-jacket. Ang lamig pa naman.

“May problema ba?”

Tinaas niya ang kamay sa kalangitan na puno ng mga bituin. “Am I just like the stars that shine only at dark or I'm just invisible at all?” Binaba niya ang kamay niya at lumingon sa akin. “Alam mo ba na takot ako na sabihin ang nararamdaman ko? Kasi nga daw attention seeker ako. Nagpapansin lang daw ako. Gusto ko lang ng power. Pero ngayon, I realized, wala naman talaga akong power kahit may position ako. Kasi, wala naman akong silbi. ” Tinignan niya muli ang mga bituin. “Masama bang i-appreciate man lang at makatanggap ng salamat? Oo nga pala. Di mo kailangan i-appreciate kapag you are in the field of service?” She sighed. “Ewan ko ba. Pero para bang walang lugar for me.”

“Kumusta na pala yung mga bata na tinuturuan mo? Masaya ba sila dahil tinuruan mo sila?”

Lumingon siya sa akin. “Wag mong sabihin wala kang lugar. Kasi yung mga batang yun, they appreciate you. May natutunan sila because of you. Hindi mo kailangan ng position, to help. Dahil kaya mong tumulong because of your capabilities. Sa tingin mo ba, may natutunan yung mga bata na yun kung wala ka? I'm sure, you change their lives to a better one at sobrang grateful sila because you came into their lives.”

Kinuha ko ang flash drive  ko sa bulsa  na sinauli ni Vince kanina at nilagay sa kamay niya. “You need this. Listen to this.” I smiled. “Proverbs 20:5. “The purposes of a person's heart are deep waters, but one who has insight draws them out.”. Exodus 9:16. “But I have raised you up for this very purpose, that I might show you my power and that my name might be proclaimed in all the earth.””

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon