Hindi ako dumalo sa birthday party ni Vyne dahil may trabaho ako noong araw na iyon. Naging busy ako at halos hindi na ako sumasama sa kanila sa simbahan kapag may ginagawa sila. Hindi ko rin nakausap si Ben pati na rin si Vince.
Nang matapos na ang finals ay sobrang saya ko dahil may isang buwan kaming semestral break. Masasamahan ko na si Bianca dahil medyo nagtatampo na yun sa akin. Malapit na ako sa bahay galing trabaho nang may narinig akong iyakan. Hindi ko yun pinansin baka mga batang kapitbahay lang yun na nag-aaway. Nang pumasok na ako sa bahay ay wala si Bianca. Wala kasi si Tita dahil may reunion sila nang mga kaklase niya sa high school at bukas pa yun uuwi. Papunta na sana ako sa kwarto nang mas lalo kong narinig ang mga iyakan. Sinundan ko iyon at laking gulat ko nang makita silang Bianca na nasa likod nag-iiyakan. Aalis sana ako dahil ayaw kong manghimasok kung ano man ang nangyayari sa kanila nang narinig kong magsalita ang isang pamilyar na boses.
"Ba-kit? Naiitindihan niyo ba ang nararamdaman ko? Di ba hindi?"
"Naghahanap ka lang nang atensyon. Gusto mo kasi na irespeto ka dahil matagal ka na dito. How pathetic you are! Attention-seeker ka kasi. Hindi lang yun, you aim to be on top to have power. Deserve mo ba?" Galit na tugon nang isa.
Napalingon ulit ako sa kinaroroonan nila at nakita ko ngayon silang Vyne.. at Marian nakatayo at magkaharap. Makikita sa mukha ni Vyne ang galit pero may luha pa rin sa kanyang mga mata habang si Marian naman ay tinago ang mukha sa dalawang mukha at umiiyak.
"Tama na--"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Bianca nang sumugod si Vyne sa kanya at sinampal siya nito.
"Ikaw. Best friend kita. Sinabi ko sa'yo lahat. Tapos aagawin mo si Ben sa akin. Alam mo di ba? Alam mo na mahal ko siya."
Sasampalin sana niya ulit si Bianca nang pigilan na siya ni Vince. "Tama na, Vyne."
"At sino ka para sabihin sa akin yan? Hindi na kita boyfriend at kahit kailan hindi kita mahal."
Makikita ang sakit at lungkot sa mga mata ni Vince at kasunod nito ang pag-agos nang mga luha niya. "Oo alam ko, Vyne. Huwag mo nang sabihin sa akin yan dahil ang sakit-sakit. Kasi ako kahit anong gawin ko, siya lang naman lagi. Siya yung laging nasa una. Siya yung laging panalo."
Umupo si Vince sa damuhan at tuluyan nang umiiyak.
"Ano na ba na ang nangyayari sa atin?" Tanong ni Memphisbelle na napahinto sa kanilang lahat. Kinuha nito ang salamin sa mata para punusan ang mga luha niya. "Hindi naman tayo ganito dati di ba? Magkawatak-watak na ba tayo? Saan ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako bilang president.. o bilang kaibigan?"
Pagkatapos nang araw na yun ay nagkikita pa rin sila para tapusin ang kailangan nila para sa darating na Youth Day na activity nila. Pero makikita mo na may gap pa rin. Halos lahat ay hindi nagkikibuan. Tahimik lang silang gumagawa sa task na naka-assign sa kanila. Kung dati ay may maririnig kang tawanan sa kanila kahit may ginagawa ngayon ay wala na. Habang busy ako sa paggawa nang I.D. para sa mga participants ay nahagip nang aking mga mata si Memphisbelle na kausap si Ben at tila may seryosong pinag-uusapan. Pinahiran niya ang luha niya bago kami tinawag para mag-snacks.
Nakahanda na ang hapunan pero hindi pa rin bumababa si Bianca sa kwarto niya. Nang dumating kami ay dumiretso ito sa kwarto niya kaya ako na lang ang naghanda nang hapunan.
"Tawagin mo nga si Bianca para sabay na tayong kumain," utos ni Tita.
Agad akong umakyat sa kwarto niya. Nang kumatok ako ay hindi siya sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto. Naabotan ko siyang nakatingin sa picture nila ni Ben. Ito din ang nakita ko nang maglinis ako. Tinignan niya ako at doon na siya umiyak. Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Aubrey.. Mali bang magmahal nang taong may Iba nang gusto?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil hindi ko pa naman talaga maranasan ang magmahal.
"May darating din na nakalaan para sa'yo," yun lang ang tangi kong naging tugon.
Huwebes at may meeting para sa Youth Day sa Sabado. Dahil hindi makakapunta si Bianca ay ako ang pinapunta niya para ibigay kay Mark ang notebook para makapag-minutes. Siguro hindi pa siya okay kaya naiitindihan ko. Noong gabi na yun nalaman kong may sikreto pala silang relasyon ni Ben na umaabot nang taon kaya nang makapaghiwalay ito ay nasaktan siya. Alam naman niya na simula pa lang may ibang gusto na si Ben pero pinilit niya pa rin. Tatanungin ko sana kung sino gusto ni Ben pero baka mas lalo pa siyang masaktan.
"Ba't wala si Bianca?" Tanong ni Mark nang iaabot ko sa kanya ang notebook.
"Masama ang pakiramdam niya."
Tumango naman si Mark at nagsimula nang mag-attendance.
Nang matapos na ang meeting ay agad akong umalis dahil may pinabibili pa sa akin si Bianca. Kukunin ko sana ang listahan sa bag ko nang may nabangga ako.
"Sorry, Miss. May itatanong lang sana ako. Nandiyan ba ang secretary?"
Sasagot sana ako nang matulala ako nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko. Ang taong dahilan kung bakit nagbago ang buhay ko.