Ilang taon na simula nang mangyari iyun kung saan nagtagpo ang landas namin ng lalaking yun. Isa iyun sa pinakamakalaking mali sa buhay ko; ang makilala at pagkatiwalaan siya.
"Okay ka lang?" Nag-alalang sabi ni Tita. "Mukhang ang lalim nang iniisip mo. Kanina ka pa ganyan pagdating mo."
Ngumiti ako. " Okay lang ako, Tita. Maghahanda lang po ako para sa trabaho ko."
Kahit alam kong hindi niya ako papayagan magtrabaho, ay wala siyang nagawa dahil nagpumilit ako. At least ngayon, alam na niya. Ang sarap para sa feeling na wala kang tinatago sa mga mahal mo .
"Sige. Dito ka ba maghahapunan? Uuwi na mamayang hapon si Bianca."
Umiling ako. "Baka po masyadong gabi na matapos ang shift ko. Doon na lang po ako kakain."
Umakyat ako sa kwarto ko at inihanda ang sarili.
Papasok na sana ako sa restaurant nang nahagip nang mga mata ko ang mga grupo nang bata. Nasa park sila kung saan ay katabi lang nang restaurant. Tinignan ko ang phone ko at mukhang may 20 minuto pa bago magsimula ang shift ko kaya napagdesisyunan kong puntahan muna ang mga bata. Nang malapit na ako ay tila napangiti ako sa nasaksihan. Sa tingin ko ay mga nasa 4-5 taong gulang ang bata. Masigla silang sumasagot. Tila ba may pinapakita ang babae na nasa harap nila, at sinasagot nila ang tanong ito. Hindi ko kilala kung sino itong gumagaganap bilang teacher dahil nakatalikod ito mula sa akin. Nakasuot nang isang skyblue na dress ang babae at nakatali ang mga buhok. Hindi ko akalain na may mga tao pa palang kayang maglaan ng oras para magturo.
"Sana lahat di ba?"
Nagulat ako sa nagsasalita. Napatingin ako sa gilid ko. Si Dave lang pala. Masaya siyang nakatingin sa mga bata. Teka. Tinignan ko kung saan siya nakatingin pero sa babae palang nagtuturo. Napangiti ako nang palihim.
"Oo nga eh. Ang bait naman niya para magturo sa mga bata."
Ngumiti siya. "Mabait naman talaga siya." Bigla siyang nalungkot na tila may naalala. "Pero sabi nang iba, hindi raw. Attention-seeker daw siya at gusto daw laging i-appreciate." Lumingon siya sa akin. "Sabi ko nga sa kanya, continue to serve even though you aren't appreciated. After all, your goal is to serve not to be appreciated. Pero kung sa tingin mo, you aren't belong, mas mabuti pang umalis ka na lang. maybe, may ibang makakita sa worth mo. "
"So, kilala mo talaga yan? Sino ba siya?"
He just smiled at muling lumingon sa babae. "Kaklase ko siya. Kaibigan... Mahalaga siya sa akin."
Tutuksuhin ko sana siya na crush niya yun nang may narinig akong familiar na boses.
"Girl, andito na ang mga pinabili mong snacks para sa mga bata at saka lunch."
Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. Bakit siya nandito? Dala-dala niya ang isang box na sa tingin ko ay mga pagkain. May nakasunod sa kanya na isang lalaki na may dala rin box.
"Tutulungan ko muna sila." Pagpaalam ni Dave. "Sabay na tayo sa restaurant."
Agad tumakbo si Dave kay Mark at tila may tinatanong. Agad itong tumakbo sa may tricycle at kinuha pa ang ibang pagkain doon.
Hinintay ko si Dave. Mabilis naman dahil sa tingin ko ay mga 4 na box lang yun. Nakipag-usap pa si Dave sa babae ay nagkataon naman na lumingon ito sa akin.
"Aubrey, halika ka." Pagtawag ni Dave.
Nang makalapit ako ay agad niya akong pinakilala.
"Aubrey, si Marian. Marian, si Aubrey."
Ngumiti siya kay ngumiti na rin ako.
"Sige na, Marian. Una na kami. May trabaho pa kami." Pagpaalam ni Dave.
Nagising ako sa mga tawag at katok ni Tita. Kahit antok pa ay bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Aubrey, s-si V-VInce," nag-alalang sabi ni Tita.
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari basta ang alam ko lang ay nandito na ako sa harapan ni Vince. Hindi ko rin alam kung saktong pares nang tsinelas ang suot ko. Kausap nang Mama niya ang doktor nang dumating ako.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Bianca na tila ay gulat pa rin sa nangyari.
"Pumunta ako sa kanila para sana kumustahin siya. Nalaman ko kasi na ang sabi niya ay pumunta siya sa youth camp kahit hindi naman. Hinahanap kasi siya in Tita nang makasalubong ko siya pauwi galing youth camp." Huminga siya nang malalim. "Ang sabi nang Lola niya ay nasa kwarto lang siya, puntahan ko lang daw. Ilang beses akong kumatok pero walang sumagot kaya binuksan ko na lang. Dun, nakita ko siya sa sahig nakahiga habang may hawak na sleeping pills at may mga laslas sa braso niya."
Napatitig ako kay Vince at umiyak. Niyakap ko siya. Alam kong may pinagdadaanan siya pero di ko siya nasamahan. Anong klase akong best friend?