Kabanata 14

1 1 0
                                    

Alas 8 na nang umaga nang magising ako.  Wala na silang Tita at Bianca sa bahay. Siguradong nasa simbahan na sila.  May tinira silang pagkain para sa akin. Agad akong kumain at nagligpit pagkatapos. Pagkatapos ay umakyat ako para sana maligo dahil ang sabi ni Ben ay may meeting daw pagkatapos nang second mass nang biglang may tumawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello, Aubrey. Natanggap mo ba ang text ko kahapon?" Bungad mula sa kabilang linya.

Text? Sino ba to? " Naiwan ko kasi phone ko kahapon may pinuntahan ako. Bakit? Sino ba 'to?"

" Si Lucille ito. Di ba um-order ka nang birthday cake para sana kahapon? I texted you yesterday, sabi ko may mag-entertain sa'yo kapag pumunta ka na dito para kunin ang cake kasi may lakad ako pero sabi nang katiwala ko, di ka daw pumunta dito. May nangyari ba? Sayang naman ito."

Napahawak ako sa noo ko. Oh yes! Nakalimutan ko. It's Vince's birthday. "Ah. Sige. Kukunin ko yan ngayon. " Mukhang mapapa-trouble ako nito.

Pagkatapos kong kunin ang birthday cake para kay Vince ay agad akong nagtungo sa simbahan. Doon sa may likod na gate ako dumaan. Alam kong ngayong 2nd mass siya magse-serve. Sakto na naman na katatapos pa lang nang misa. Huminga ako nang malalim bago sana siya puntahan kaso lumabas na siya galing sa sakristiya na di maipinta ang mukha.

"Happy birthday. Belated na pala. Sorry talaga. Ano kasi may pinuntahan ako," I nervously said sabay abot sa cake at pinikit ang mga mata ko.

Sana talaga. Sana okay lang siya. Sana hindi galit. Narinig ko ang mga yapak niya papunta sa akin. Naramdaman ko rin na nasa harap ko na siya at kinuha ang box nang cake.

I smiled. "Okay na ba tayo?" Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko pero wala na siya roon.

Nakita naman ko ang mga kasamahang sakristan niya at napailing bago umalis. Sumunod na lumabas si Ben hawak-hawak ang sotana niya at mukhang di siya nagulat na nandoon ako.

"Let's go. Magsisimula na ang meeting," he said in an authoritative voice.

" Pero si Vince di ba--"

" Hayaan mo muna siya. Hayaan mo munang magpalamig."

Pagkatapos nang pangyayaring yun ay di na kami nagkikita ni Vince. Minsan nakikita ko siya sa school pero di niya ako pinapansin. Siguro galit yun o di kaya nagtatampo. Hayst, bakit ko ba nakalimutan ang birthday niya. Ang tanga mo, Aubrey.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay nakita ko si Vince na may kausap na babae. Hindi ko makita ang mukha nang babae dahil nakatalikod ito sa akin. Pero sa tingin ko ay mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Di nagtagal nakita kong niyakap ni Vince ang babae. Sa di kalayuan, nakita ko si Vyne at nang makita niyang makayakap silang Vince at ang babae ay bigla itong bumalik sa dinadaaanan niya. Agad akong tumakbo para habulin si Vyne. Nang malapit na ako sa kanya ay biglang may kumalabit sa akin at paglingon ko si Ben.

"Saan ka? Di ba? You promise na saluluhan mo ako mag-lunch?"

Tumango ako at tinignan muli kung saan ko unang nakita si Vyne pero wala na siya roon saka muling lumingon kay Ben. "Sige. Saan ba tayo kakain?"

A smile plastered on his face. " Basta."

Bago pa kami makaalis ay nahagip ko si Vince. Wala na ang babaeng kausap niya kanina. Nakatingin lang siya sa kamay ni Ben na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

"Ang daming customers ngayon compared kahapon," saad ni Lovell, kasamahan kong waitress.

" Oo nga eh. Siguro nagustuhan nila ang luto ni Chief kaya binababalikan," masaya kong saad.

Tumango naman siya bago umalis para kumuha nang order sa kakarating na customer.

Masaya naman ang trabaho ko. Marami ring akong nakakilala. Hindi na bago sa akin ang pagiging waitress dahil waitress ako sa dat kong tinatrabahuan. Yun nga lang ibang putahe ang sine-serve doon.

"Aubrey, ikaw muna doon sa bagong dating na babae. Magsi-CR muna ako. Promise, mabilis lang ito," nagmamadaling saad ni Dave bago patakbong umalis papunta sa CR.

Agad akong pumunta sa babaeng tinutukoy ni Dave. Nasa table malapit sa pintuan siya nakaupo.

"Can we talk?" Saad niya nang magkalapit ako sa kanya para sana kunin ang order niya sabay lagay sa menu sa mesa.

Katatapos lang nang shift ko at nakita ko si Vyne naghihintay sa akin sa loob nang kotse niya.  She waited for a hour at wala akong ka-ideya-ideya sa pag-uusapan namin. Agad akong pumasok sa kotse niya pagkalabas ko sa restaurant.

"Vyne, ano ba ang pag-uusapan natin?"

Lumingon siya sa akin sabay abot nang paper bag na may lamang pagkain na tinake out niya kanina sa restaurant. Agad ko naman itong tinanggap. "Salamat."

"Aubrey," she sighed. "I only have one question. Please answer me with honesty."

Wala sa sarili akong tumango.

" Anong mayroon sa inyo ni Ben?"

"Wala. Magkaibigan lang."

She smiled. "Aubrey, can you do me a favor?"

"Ano naman yan?"

" Kahit anong mangyari. Don't fall in love to Ben. He's not for you. He's already destined for someone else."

Pilit kong di  matawa sa sinabi niya. Why would I fall in love to Ben? "Okay."

She hugged me. "Salamat."

Nang kumawala na siya sa yakap ay agad kong naalala ang nangyari kanina.

"Vyne."

"Hmm."

"Okay pa ba kayo ni Vince?"

Umiwas siya nang tingin. " Wala na kami. Matagal na."

Kahit nagulat sa tugon niya dahil wala naman nabanggit sa akin si Vince ay nagawa ko pa rin sabihin ang mga katagang ito.

"Do you love him? Then do me a favor. Magbalikan kayo."

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon