Kabanata 30

0 0 0
                                    

"Mag-meeting tayo sa susunod na Linggo para sa mga instructions ko," paalala ni Memphisbelle bago tinapos ang meeting.

Nagkaroon kasi ng meeting ngayon at ang agenda ay ang NYD na gaganapin ngayong Abril. Huling linggo na nang January at malapit na talaga ang pinakakahihintay nila.. Oo, nila. Sumali lang naman ko dahil kay Ben at hindi dahil gusto ko.

"Excited na talaga ako, Pres." Masiglang sabi ni Kim paglabas ng office.

"Ako rin. Tiyak marami tayong makikilala at tiyak may chicks." Pahabol ni Jeric.

Binatukan siya ni Mary. "Hindi tayo pupunta doon para maghanap lang ng chicks."

"High blood agad? Joke lang. " Pagtatangol ni Jeric sa sarili.

"Kung may hahabol pa, Bianca at Mark pakidala ang form nila sa bahay para masali ko sa ipapasa ko sa District sa Sabado." Paalala ni Memphisbelle at nauna nang umalis dahil kanina pa daw naghihintay ang sundo niya.

"Hindi ka sasabay sa amin ni Bianca?" Tanong ni Jeric na ngayon na nasa motor na niya at angkas si Bianca. Nag-iwas nang tingin sa akin si Bianca.

Umiling ako. "May puntahan pa ako."

"Sige. Ingat." Pagpaalam ni Jeric at umalis na.

"Mauna na ako, Aubrey." Si Kim pagkatapos magpara nang tricycle papunta sa kanila.

Tumango ako. "Ingat."

"Saan ka pupunta? Gusto mo nang kasama." Tanong ni Mary na di ko namalayang katabi ko na pala.

"Salamat pero maabala ka pa lang."

May humintong motor sa harapan namin. Kinuha non driver ang isang helmet at binigay kay Mary.

"Mauna na ako, Aubrey." Habang sinusuot ang helmet.

Nang makaangkas na si Mary sa motor ay muli itong nagpaalam. Tumango naman ang driver saka pinaandar ang motor.

Nang ako na mag-isa ay hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil wala naman talaga akong pupuntahan hanggang sa dinala ako nang aking mga paa sa dalampasigan.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito sa dalampasigan. Sa ngayon ay gusto ko lang muna mag-isa habang tinitignan ang mga malilit na alon, habang nararamdaman ko ang malamig na simoy nang hangin sa ilalim nang mainit na araw.

“ Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos, at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog.”(Job 5:8)

Hindi ako lumingon sa nagsasalita dahil kilala ko na siya. Boses pa lang, alam ko na kung sino. Ganyan naman siya, laging sumusulpot katulad ng pagdating niya sa buhay ko. Tumabi siya sa akin at nakatingin sa mga alon.

"Pakikinggan niya ba ako? Alam ba niya ang mga panalangin, pangamba at problema ko? Buong buhay ko ay lumayo ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung bakit niya kinuha ng maaga ang Mama ko. Maaga akong naulila. Tapos malalaman ko na ang ama ko na iniwan ako ng ilang taon ay ang rason kung bakit napunta ako sa kalagayan ko noong nakilala mo ako." Pagbasag ko ng katahimikan.

Hindi siya lumingon sa akin at sa pagkakataong ito ay nakatingin na siya sa kalangitan.

"Jeremiah 29: 11. “For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”  Walang ginawa ang Panginoon na sa tingin niya ay makakasama sa'yo. Maybe, we don't know the reason for now but in the future, malalaman din natin." Lumingon siya sa akin. "At sa tanong mo kung pakikinggan ka ba niya sa lahat? Oo. His love for us is unconditional. Alam mo ba yung The Prodigal Son story?"

Tumango ako. Noong bata ko ay isa yun sa mga bible stories na ikinuwento ni Mama sa akin. Tungkol daw ito sa isang anak na bunso na  winaldas ang lahat ng minana mula sa ama at ng maubos na ay naghihirap siya at  nagdesisyon bumalik sa ama. Buong pusong tinanggap ng ama ang anak at nagdiwang dahil para sa kanya namatay na ito, ngunit nabuhay; nawala ngunit natagpuan.

" Luke 15:11-32. Diyan mo mababasa ang tungkol doon. Sabi nga sa Luke 5:31-32 “Jesus answered them, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. I have not come to call the righteous, but sinners to repentance.” Nandito ang Panginoon para sa atin makasalan, para tayo ay gumaling sa ating sakit, ang pagkakasala at magsisi."

Tumayo siya at tumingin muli sa kalangitan.

"Nasa sa'yo pa ba ang binigay ko?"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya pero kung flashdrive ang tinutukoy niya, oo nasa akin pa pero yun nga nakalimutan ko kung saan ko nilagay.

"Pakinggan mo ang mga kantang nandon. It will help you."

Dahan-dahan na siya naglalakad palayo sa kinaroroonan ko pero bago siya umalis ay muli siyang nagsalita.

"James 5:13. “Is anyone among you in trouble? Let them pray. Is anyone happy? Let them sing songs of praise.” Lumingon siya sa akin. "Aubrey, trust Him. Have faith in Him."

Author's Note:
I decided to change the title from He's My Light to He's Our Light.
Thank you.

He's Our LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon